close
RTI to GoDownload RTI APP now
Open
:::

Mga Madalas Tanungin Ukol sa One-Stop Service Para sa mga Migranteng Manggagawa

  • 09 January, 2023
Alam Nyo Na Ba?
One stop service center building

                                                                                                                Version 111年12月 , Disyembre , 2022

移工篇
Mga Migranteng Manggagawa
【一站式服務及入國講習】
【One-Stop Service at Pagsasanay sa Pagpasok ng Bansa】

問題1:入國講習包含哪些課程內容?
Una: Ano ang mga kursong kasama sa pagsasanay na ito?

回答:入國講習共計8小時課程,內容包含生活適應、衛生教育及健康保險、家事類工作職業安全衛生、聘僱法令及權益保障等。
Sagot: Ang kursong ito ay may kabuuang 8 oras, kabilang ang pagbagay sa buhay, edukasyong pangkalusugan at health insurance, kaligtasan at kalusugan sa trabahong kaugnay ng pamilya, batas ukol sa pagtatrabaho at proteksyon ng mga karapatan, atbp.

 

問題2:入國講習期間由誰提供飲食?
Pangalawa: Sino ang magbibigay ng pagkain sa pagsasanay?
回答:移工入國講習期間,由勞動部提供早、中、晚餐食服務。
Sagot: Sa mga araw ng pagsasanay, ang Ministry of Labor ang magbibigay ng almusal, pananghalian, at hapunan.

問題3:入國講習期間可否外出?
Ikatlo: Maaari bang lumabas sa oras ng pagsasanay?
回答:如移工於入國講習期間有外出需求,將由移工一站式服務中心人員陪同外出。
Sagot: Kung kinakailangan ng migranteng manggagawang lumabas sa oras ng pagsasanay, maaaring sabihan ang mga kasamahan ng One-Stop Service Center upang samahan ito.

問題4:入國講習期間,居住的型態為何?
Ikaapat: Paano ang akomodasyon sa panahon ng pagsasanay?
回答:入國講習期間採1人1床,依房間面積坪數,每房3人至4人不等。
Sagot: Ang bawat tao ay may sariling kama, depende sa laki ng kwarto ay maaaring 3 o 4 pataas na tao sa bawat kwarto.

問題5:入國講習期間是否開放訪客拜訪?
Ikalima: Maaari bang tumanggap ng bisita sa panahon ng pagsasanay?
回答:移工如講習期間有訪客來訪,訪客於一站式服務中心櫃檯登記後,由服務人員通知移工,安排至訪客接待區晤談。
Sagot: Kung ang migranteng manggagawa ay may bisita sa oras ng pagsasanay, kinakailangan ng bisitang magrehistro sa One-Stop Service Center. Matapos ay sasabihan ng kasamahan ng Service Center ang migranteng manggagawa at aayusin ang lugar kung saan kikitain ang bisita.

問題6:移工完訓後,會有哪些文件或證明資料?
Ikaanim: May mga katibayan bang matatanggap ang mga migranteng manggagawa matapos ang pagsasanay?
回答:移工完訓後,勞動部移工一站式服務中心人員現場核發5年效期完訓證明、聘僱許可函及居留證,並於完訓後約3個工作日後,透過LINE@移點通推播移工全民健康保險加保證明書。
Sagot: Matapos makumpleto ang pagsasanay, ang mga kawani ng One-Stop Service Center ng Ministry of Labor ay magbibigay ng sertipikong may tagal ng 5 taon, employment permit letter, at residence permit sa mismong lugar ng pagsasanay. Makalipas ang 3 araw, maaaring tumungo ng LINE@ at buksan ang broadcast upang makuha ang sertipiko ng pagsali sa Migrant Workers National Health Insurance.

問題7:講習後應進行健檢,如未健檢該如何處理?
Ikapito: Kinakailangan ng health check matapos ang pagsasanay. Paano kung walang health check?
回答:雇主如未依規定,於移工入國後3個工作日內安排移工辦理健康檢查,雇主將依就業服務法規定,處新臺幣6萬元至30萬元罰鍰。
Sagot: Kung hindi nakasunod sa regulasyon ang employer at hindi nakapag-ayos ng health check para sa mga migranteng mangagawa sa loob ng 3 araw matapos makapasok ng bansa, ang employer ay mamumultahan ng NT$60,000 hanggang NT$300,000 ayon sa Employment Service Law.

問題8:講習後,等待健檢期間住宿環境條件有什麼應該注意的地方?是否有申訴求助之管道?
Ikawalo: Matapos ang pagsasanay, anu-ano ang dapat alamin tungkol sa kapaligiran ng dormitoryo habang naghihintay sa resulta ng health check? Mayroon bang tulong para sa mga reklamo?
回答:(1) 外國人於等待健康檢查期間之留宿環境,仍應依外國人生活照
顧服務計畫書辦理,即雇主(仲介)提供外國人居住面積每人應在3.6平方公尺以上,每一外國人均應有其個人之床舖,並應提供衣物櫃(計入居住面積)。倘雇主違反規定者,當地主管機關將逕依就業服務法第67條規定處新臺幣6萬以上至30萬元以下罰鍰,並不予核發或廢止聘僱移工許可。(2) 移工如有申訴或諮詢需求,皆可撥打1955專線,提供24 小時(含假日)多國語(中、英、印尼、越南及泰語)免付費電話詢求協助,或另透過「LINE@移點通」亦可連結至1955真人文字客服人員,提供母語線上文字對談方式諮詢,即時移工問題,如有緊急申訴事件,可主動轉接1955專線進一步處理。

Sagot:
(1) Ang titirhan ng mga migranteng manggagawa habang naghihintay sa resulta ng health check ay dapat umaayon sa foreigner Life Care Service Plan kung saan ang laki ng tirahang inasikaso ng employer (agent) ay dapat higit sa 3.6 metro bawat tao, at ang bawat manggagawa ay may sariling kama at locker (kasama sa kabuuang laki ng tirahan). Kung ang employer ay lumabag sa regulasyon, ang awtoridad ay magpapataw ng multa mula NT$60,000 hanggang NT$300,000 ayon sa Artikulo 67 ng Employment Service Law. Ang employment permit ay hindi ibibigay or babawiin ng mga awtoridad.
(2)
Para sa anumang kinakailangan ng mga migranteng mangagawa, maaaring tumawag sa toll-free 1955 hotline (24 oras na serbisyo kabilang ang holidays) na may iba’t ibang lengwahe (Chinese, Ingles, Indonesian, Vietnamese, at Thai). Maaari ring gamitin ang 「LINE@移點通」na nakakonek sa 1955 live text customer service na may serbisyo sa iba’t ibang lengwahe para sa anumang konsultasyon. Para sa mga agarang pangangailangan, maaaring ilipat sa 1955 hotline para sa agarang pagproseso.

【入國講習期間的生活照顧】
【Pangangalaga sa Panahon ng Pagsasanay】
問題1:移工入國講習期間生病,該如何處理?
Una: Ano ang dapat gawin kung magkasakit sa panahon ng pagsasanay?
回答:雇主在申請入國講習已同意勞動部提供服務,將由一站式服務中心協助移工就醫及處理費用。另會通知雇主相關訊息。
Sagot: Ang employer ay sumang-ayon sa Ministry of Labor na maghahatid ng serbisyo para sa training. Ang One-Stop Service Center ay tutulong sa mga pangangailangang medikal at pagproseso ng bayad para sa mga migranteng manggagawa. Ang mga employer ay sasabihan ng mga mahahalagang detalye.

問題2:移工入國講習期間確診,該如何處理?
Ikalawa: Ano ang dapat gawin kung makumpirmang may COVID sa panahon ng pagsasanay?
回答:如移工入國講習期間快篩陽性,並經視訊看診或至醫療院所進行篩檢,後續有經診斷判別確診時,移工一站式服務中心人員將安排移工至集中檢疫所進行隔離,並將持續配合中央流行疫情指揮中心最新防疫規範辦理。
Sagot: Kung mag-positibo sa panahon ng pagsasanay at ang screening ay sa pamamagitan ng video consultation o sa anumang institusyong medikal, at may pangalawang kumpirmasyon, ang kawani ng One-Stop Service Center ay tutulong sa pagpapahatid ng migranteng manggagawa sa isang sentralisadong quarantine center at patuloy na susunod sa mga regulasyon ng CECC.

【聘僱許可】
【Employment Permit】
問題1:雇主未依雇主聘僱外國人許可及管理辦法第36條之2申請聘僱許可,致移工須轉換雇主,移工後續應如何辦理轉換雇主?等待轉換
雇主期間膳宿誰負責?
Una: Ang employer ay hindi nakapag-aplay ng permit alinsunod sa Artikulo 36-2 ng Employer’s Approval and Management Measures for Employing Foreigners, na magreresulta sa pagpalit ng employer ng manggagawa, ano ang dapat gawin ng migranteng manggagawa? Sino ang responsable sa akomodasyon habang naghihintay sa pagpalit ng employer?
回答:(1) 雇主未依限為移工申請聘僱許可,將限期移工轉換雇主或工作,由原雇主或移工向公立就業服務機構申請轉換登記,移工經由參加每週協調會議,或自行至「外國人勞動權益網-移工轉換雇主專區」尋得合適雇主,自新雇主與移工合意接續聘僱後,由新雇主辦理後續程序。(2) 雇主就移工負有生活照顧管理責任,應善盡生活照顧管理責任持續至外國人轉換新雇主或返國之日止。
Sagot:
(1) Hindi nakapag-aplay ng permit ang employer sa loob ng itinakdang oras kung saan napilitang magpalit ng employer ang migranteng manggagawa, ang orihinal na employer o ang migranteng manggagawa ay dapat magrehistro ng pagpalit
(2) Ang mga employer ang dapat mamahala sa pang-araw-araw na buhay ng mga migranteng manggagawa at dapat nilang tuparin ang mga responsibilidad na nakaagapay dito hanggang sa araw na magpalit ng employer or bumalik sa kanilang sariling bansa.

問題2:移工什麼時候可以拿到聘僱許可函?
Ikalawa: Kailan makukuha ng mga migranteng manggagawa ang employment permit?
回答:移工完訓後,勞動部移工一站式服務中心人員現場核發聘僱許可函。
Sagot: Matapos ang pagsasanay, ibibigay agad ng mga kawani ng One-Stop Service Center ang mga employment permit.

【居留證】
【Residence Permit】
問題1:移工什麼時候可以拿到居留證?
Una: Kailan makukuha ng migranteng manggagawa ang residence permit?
回答:移工完訓後,移民署將委由勞動部移工一站式服務中心人員現場核發居留證。
Sagot: Matapos ang pagsasanay, ang Immigration ay magpapadala ng mga kawani mula sa One-Stop Service Center upang ibigay ang mga residence permit.

【全民健康保險】
【National Health Insurance】
問題1:移工什麼時候可以拿到全民健康保險卡?
Una: Kailan makukuha ng migranteng manggagawa ang National Health Insurance card?
回答:健保署於受理移工加保資料後,預計於移工完訓後約7個工作天寄送至指定處所。
Sagot: Matapos makuha ng National Health Insurance Department ang impormasyon ng mga migranteng manggagawa, makalipas ang humigit kumulang 7 araw ay ipapadala na ang National Health Insurance card.

問題2:尚未拿到全民健康保險卡前,移工如有就醫需求,該如何使用全民健康保險投保證明單?
Ikalawa: Paano gamitin ang sertipiko ng pagsali sa National Health Insurance habang hinihintay ang card at may medikal na pangangailangan?
回答:移工在尚未收到健保卡前如有就醫需求,得持證明單併同居留證明文件,於醫療院所填寫「全民健康保險特約醫療院所例外就醫名冊」,以健保身分就醫。
Sagot: Kung may pangangailangang medikal at wala pa ang card, maaaring punan ang “National Health Insurance Special Medical Treatment List Registration” sa anumang institusyong medikal upang masigurong may health insurance ang kanilang pagkakakilanlan.

【勞工職業災害保險】
【Occupational Accident Insurance】
問題1:移工自何日起勞工職業災害保險加保?
Una: Kailan magsisimula ang sakop ng Occupational Accident Insurance ang mga migranteng manggagawa?
回答:移工入國日當日即為勞工職業災害保險加保日。
Sagot: Mula sa araw ng pagpasok ng migranteng manggagawa sa bansa ay sakop na ito ng Occupational Accident Insurance.

Hosts

Comments