close
RTI to GoDownload RTI APP now
Open
:::

Tara Mamasyal sa Xiaoliuqiu Island!

  • 04 April, 2025
Tara Mamasyal
Photo from 交通部觀光署

I-click ang play button para mapakinggan!

Mga Paraan ng TransportasyonPaano makarating sa Xiaoliuqiu:
Bangka:
Ang pinaka-karaniwang paraan para makarating sa Xiaoliuqiu ay ang pagsakay sa ferry mula sa Donggang sa Pingtung o Xiaogang sa Kaohsiung. Ang biyahe ay tumatagal ng 30-45 minuto. Mainam na mag-check ng schedule at mag-book ng tickets nang maaga.

Ayon sa kasalukuyang impormasyon, ang presyo ng ferry ticket mula Donggang papuntang Xiaoliuqiu ay mga NT$300 hanggang NT$350 bawat tao, at round-trip tickets naman ay nasa NT$600 hanggang NT$700. Pero ang presyo ay maaaring magbago depende sa season, schedule ng bangka, at ferry company, kaya magandang mag-check ng pinakabagong impormasyon o mag-book ng tickets bago magbiyahe.
Chartered Boat/Fast Boat:
May ilang tour operators na nag-aalok ng chartered boat service, para sa mga group tours o kung gusto mo ng mas flexible na itinerary.
Transportasyon sa Isla:
Pag-renta ng Motorsiklo:
Maliit at patag ang isla, kaya ang pag-renta ng motorsiklo ang pinaka-madaling paraan para maglibot. Mura lang ang renta at pwede kang tumigil anytime para mag-enjoy sa tanawin.
Bicicleta:
Kung gusto mo ng mas relaxed na pag-ikot, pwede ka rin magrenta ng bisikleta. Pero may mga daan na medyo matarik, kaya kailangan mag-ingat.

Hosts

Comments