close
RTI to GoDownload RTI APP now
Open
:::

Mga obligasyong dapat gawin ng Contractor at Subcontractor

  • 25 January, 2024
Mga Patakaran
(Photo: Central News Agency)

Ang episode natin ngayon araw ay tungkol sa article 63, para mapakinggan ang usapan i-click lang ang play button.

  • Kapag ang lugar ng trabaho ng contractor o subcontractor ay nasasakupan ng lugar ng entidad ng negosyo, ang orihinal na nagpatrabaho (entidad ng negosyo) ang siyang mangangasiwa sa contractor at subcontractor upang mabigyan ang kanilang mga manggagawa ng angkop na kondisyon sa paggawa na itinatakda ng mga nararapat na batas at regulasyong administratibo.

  • Magkakasamang may pananagutan ang entidad ng negosyo, contractor, at subcontractor para sa kabayaran ng mga aksidenteng matatamo ng mga mangagawa na kinuha ng contractor at subcontractor sa paglabag sa mga probisyon ng Occupational Safety and Health Act na may kinalaman sa mga obligasyong dapat gawin ng contractor at subcontractor.

Hosts

Comments