close
RTI to GoDownload RTI APP now
Open
:::

Patakaran: Dispatched Worker

  • 01 February, 2024
Mga Patakaran
The Automotive Cells Company’s “gigafactory” in Billy-Berclau. (Picture: taken from ACC official website)

Pag usapan natin ang LSA Article 63-1. Para mapakinggan ang chikahan- i-click lang ang play button.

  • Kapag ang ipinadalang manggagawa (dispatched worker) na nagtatrabaho sa isang dispatch-requiring entity ay nakaranas ng aksidente sa trabaho, parehong may pananagutan ang dispatch-requiring entity at dispatch entity sa babayaran ng amo alinsunod sa kabanatang ito.

  • Maaaring maghabol na maibawas ng dispatch-requiring entity o dispatching entity ang kanilang naibayad na kabayaran alinsunod sa mga probisyon ng Labor Insurance Act at iba pang kaugnay na batas at regulasyong administratibo.

  • Kapag nilabag ng dispatch-requiring entity at dispatch entity ang mga probisyon ng batas na ito o ng Occupational Safety and Health Act, sila ay magkasamang may pananagutan para sa kabayaran ng mg aksidente sa trabahong mararanasan ng mga ipinadalang manggagawa (dispatched worker).

  • Maaaring ibawas ang kabayarang ibinayad ng dispatch-requiring entity o dispatch entity mula sa kabayaran para sa mga kapinsalaang nagbunga sa parehong aksidente.

Hosts

Comments