Halina't pag usapan natin ang article 64 ng Labor Standards Act. Para mapakinggan, i-click lang ang play button.
-
Hindi pinahihintulutan ang isang amo na kumuha ng mga aprendis (apprentice) na mababa sa labinlimang (15) taong gulang maliban na lamang kung ang nasabing aprendis (apprentice) ay nakapagtapos na ng junior high school.
-
Para sa layon o hangarin ng batas na ito, ang salitang aprendis (apprentice) ay tumutukoy sa isang taong ang layunin ay matuto ng mga kasanayang teknikal sa isang kategorya ng trabaho na iniatas ng competent authorities para sa apprentice training, at nakatanggap ng pagsasanay mula sa amo alinsunod sa mga probisyon ng kabanatang ito.
-
Ang mga probisyon ng kabanatang ito ay tumutukoy sa, maliban na lamang kung ang mga dapat baguhing probisyon ay naisagawa na (mutatis mutandis), mga foster worker at intern ng isang entidad ng negosyo, mga mag-aaral sa ilalim ng isang business-education cooperation project, at iba pang mga taong may kahalintulad na uring gawa ng mga aprendis (apprentice).


RTI Radio Taiwan International
RTI Radio Taiwan International 
