close
RTI to GoDownload RTI APP now
Open
:::

Mamasyal Tayo sa North Coast ng Taiwan!

  • 28 March, 2025
Tara Mamasyal
Jinshan, Wanli coast, photo from New Taipei Travel

I-click ang play button para mapakinggan!

Ibinahagi namin ang magandang North Coast. Bagay na bagay ito para sa iyong 1 day tour!

1. Jinshan Hot Spring Area

  • Mga Pwedeng Gawin:

    • Jinshan Old Street – Damhin ang old-town vibes at tikman ang local food tulad ng Jinshan taho at seafood snacks.

    • Jinshan Hot Springs – Mag-relax sa natural sulfur hot springs. May ilang hotels na may garden o maliit na park, kung saan makakakita ng cherry blossoms o seasonal flowers lalo na sa spring.

  • Paano Pumunta:

    • Tren – Mula Taipei Main Station, sakay ng tren papuntang Jinshan Station (mga 1 oras). Pagdating, pwede kang sumakay ng taxi o magpa-reserve ng shuttle service papunta sa hot spring area.

    • Bus – Sakay ng Kuo-Kuang Bus No. 1815 direkta sa Jinshan, tapos lipat sa local taxi.

2. Wanli at Yehliu Area

  • Mga Pwedeng Gawin:

    • Wanli Coastline – Mag-enjoy sa ganda ng dagat at coastal flowers. May viewing decks sa ilang spots, perfect pang-picture ng springtime scenery.

    • Yehliu Geopark – Sikat sa mga kakaibang rock formations. Magandang side trip para makita ang unique na natural landscape ng lugar.

  • Paano Pumunta:

    • Taxi – Mga 30 minuto lang mula Jinshan papuntang Wanli. Maganda ang daan kaya mas ok kung mag-rent ng car o sumakay ng taxi para mas flexible ang stopovers.

    • Bus – Sakay ng Kuo-Kuang Bus No. 1815 mula Taipei papuntang Yehliu o Wanli. Pero medyo limitado ang biyahe, kaya mas mabuting i-check muna ang schedule bago umalis.

Hosts

Comments