Ang Miyahara (宮原眼科) ay dating ophthalmology clinic noong araw, ngunit isa na itong sikat na tourist attraction ngayon. Matatagpuan sa Central District ng Taichung, Taiwan. Ang Miyahara ay isang restaurant at retail store na nagbebenta ng tsokolate, cookies, at tradisyonal na Taiwanese pastry, kabilang ang pineapple cake at sun cake. At syempre, ang Miyahara ice-cream parlour ay ang pinaka the best sa lahat!
Kaya kung bibisita ka sa Taichung at gusto mong makita ang isa sa mga pinakamagandang atraksyon sa lungsod, dapat mong bisitahin ang Miyahara Taichung. Magdala ng camera para kumuha ng mga snapshot ng magagandang Harry Potter-esque na interior, at sagana sa pinakamasarap na ice cream na hindi mo mahahanap kahit saan pa! Para mapakinggan ang chikahan,i-click lang ang play button.


RTI Radio Taiwan International
RTI Radio Taiwan International 
