Ang Jiufen ay dating sentro ng pagmimina ng ginto. Ito ay matatagpuan sa loob ng mga burol sa hilagang-silangan ng Taiwan. Ang nayon ay nasa tabi ng bundok at nakaharap sa dagat. Noong 1890, may nakapaghukay ng ginto dito. Ang mahirap na nayon na mayroon lang 4,000 pamilya nakatira ay dating gintong lungsod ng Asya at tinawag na little Shanghai o little Hong Kong. Sa pagdaan ng panahon at bumaba ang mga aktibidad sa pagmimina ng ginto, kumukupas ang Jiufen. Nang maglaon, ilang pelikula ang piniling mag-shoot dito at ang mga pelikula ay nanalo ng international acknowledgement. Para mapakinggan ang chikahan, i-click lang ang play button.
Halina't Maglibang Tayo Sa Jiufen!
- 17 June, 2023


RTI Radio Taiwan International
RTI Radio Taiwan International 
