close
RTI to GoDownload RTI APP now
Open
:::

Magandang balita para sa mga bagong ina!

  • 04 May, 2025
Dagdag Kaalaman
Photo from Abby Lu

I-click ang play button para mapakinggan!

Alam niyo ba ang mga benepisyo pagkatapos manganak sa Taiwan?👶🏻👶🏻🍼

1. Maternity Benefits of Labor Insurance:

Meron tayo nito kung may labor insurance! Ang makukuha natin ay 6 months average ng 1 month salary*2. Puwede itong i-apply sa Household Registration Office ng iyong lugar kung ikaw ay kinasal sa Taiwanese. Kung ikaw ay OFW, puwedeng mag-inquire sa labor insurance office.

2. Maternity Benefits ng City/County:

Kung ikaw ay kinasal sa Taiwanese o meron Taiwanese ID, puwedeng makakuha nito sa Household Registration Office ng iyong lugar. Dipende ang amount. For example, sa Taipei city ay NT$40,000 simula ng April, 2024, sa New Taipei naman ay NT$20,000, puwede niyong i-check ang amount ng ibang lungsod sa Internet.

3. NT$5,000 subsidy per month (0-6 years old):

Kung ikaw ay kinasal sa Taiwanese o meron Taiwanese ID, puwedeng makakuha nito sa munisipyo ng iyong lungsod.

✏️Puwedeng mag-inquire sa Labor insurance office, Household Registration Office, at munisipyo tungkol sa mga papeles na kailangang dalhin at iba pang mga katanungan.

Comments