close
RTI to GoDownload RTI APP now
Open
:::

Alegasyon laban sa dirty bomb napawi, IAEA maglulunsad ng sariling inspeksyon

  • 05 November, 2022
  • 汪馬雪莉
Alegasyon laban sa dirty bomb napawi, IAEA maglulunsad ng sariling inspeksyon
(REUTERS/DA Zhi Images)

Ayon sa International Atomic Energy Agency (IAEA), ang nuclear watchdog ng United Nations na sila ay maglulunsad ng sariling pagsusuri ngayong linggo laban sa alegasyon ng Russia na 2 lugar sa Ukraine ay gumagawa ng sinasabing “dirty bombs” mula sa ulat ng Agence France-Presse.

Ang mga dirty bomb ay mga pangkaraniwang bomba na nagtataglay ng mga sangkap na radioactive o di kaya’y may dagdag na mga biological at chemical warfare agents na ikakalat ang mga nasabing sangkap sa hangin kapag ito’y pinasabog. Inakusahan ng Russia ang Ukraine ng paggamit nito ng mga nasabing sandata laban sa mga puwersang Russian, subalit suspetsa ng Kyiv na maaari naman itong gamitin ng Russia upang makapaglunsad ng “ false flag” operation kung saan gagamitin ang isyu ng dirty bombs bilang dahilan para magamit nila ang mga sandatang nukleyar sa panahong hindi pabor sa silangan at timog Ukraine ang pakikipag-digma.

Sinabi ni IAEA Direktor Rafael Grossi noong ika-27 na magsasagawa ang mga inspektor ng IAEA ng hiwalay na inspeksyon sa dalawang lokasyon at sisikaping matukoy ang anumang pagpoprotekta ng paglilipat ng mga materyales na nukleyar pati na rin ang mga hindi nadeklarang pagsasagawa ng mga materyales na nukleyar sa nasabing lokasyon, kasama na ang pagpoproseso at masigurong walang anumang materyales o gawaing nukleyar na hindi nakadeklara.

Kinumpirma ni Grossi noong ika-24 ang imbitasyon ng pamahalaan ng Ukraine at siya’y magpapadala ng mga tauhang magsasagawa ng inspeksyon sa 2 pasilidad na nukleyar upang mabigyang linaw ang alegasyon ng Russia na gumagamit ng dirty bombs ang Ukraine.

Ayon pa sa IAEA, nagsagawa na sila ng inspeksyon sa isa sa mga lokasyon noong nakaraang buwan at wala silang anumang nakitang mga materyales o gawaing nukleyar na hindi nakadeklara.

Sinabi ng Pangulo ng Russia na si Vladimir Putin sa IAEA na mag-inspeksyon ito sa mga pasilidad na nukleyar ng Ukraine sa lalong madaling panahon.

Matapos ang isang closed-door meeting ng UN Security Council, sinabi ni Grossi sa mga mamamahayag na maglalabas na ito ng kanilang konklusyon sa lalong madaling panahon.

Sinabi rin niya na karaniwang naghahanap ng mga materyales na nukleyar ang IAEA kapag ito ay nagsasagawa ng mga inspeksyon, subalit sa panahong ito, kailangan nilang gumawa ng kakaibang uri ng gawain.

Ipinahayag ng ambassador ng Russia sa United Nations na si Vassily Nebenzia na sinabi ng Russia kay Grossi na dapat manatiling mapagmatiyag ito dahil maliban sa mga nabanggit na pasilidad ay mayroon pa ring ibang lugar kung saan nagsasagawa ng produksyon.

Comments

Latest Newsmore