Ang stampede sa Itaewon, South Korea ay nagdulot ng mabigat na casualty. Huang Baiyao, direktor ng Department of Geriatrics sa Cathay Hospital, ay nagsabi na ang mga 154 na taong ito ay namatay sa "compressive suffocation", na tumutukoy sa pagtulak at pagdiin at pwersa sa katawan ng tao. Ang hypoxia at kawalan ng malay ay tumatagal lamang sa 10 hanggang 20 segundo, at ang pagkamatay ng utak ay nangyayari pagkatapos ng 5 hanggang 6 na minute lamang.
Ang malaking aksidente sa stampede ay nangyari sa Halloween event sa Itaewon, South Korea noong gabi ng ika-29 ng October. Naganap ang aksidente sa isang makipot na eskinita, nadaganan ang mga tao sa ilalim ng presyon ng malaking bilang na nagpanic sa kaguluhan. Ayon sa mga ulat ng media, itinuro ng mga medikal na tauhan na kasangkot sa pagsagip sa pinangyarihan na ang sanhi ng pagkamatay ng karamihan halos ay pagka-suffocation, at maraming mga doktor ang nagsuri na ang mga taong ito ay namatay sa "compressive asphyxiation".
Si Dr. Huang Baiyao, ay nagsabi sa isang panayam the day after na ang deadly asphyxia ay sanhi ng malaking pwersa at presyon na umipit sa dibdib kung kaya ng mga baga, na nagreresulta sa kawalan ng kakayahan na huminga, na nagreresulta sa hypoxia at pagkamatay ng utak. . Sinabi niya na ang matinding pagtulak, ang syang sanhi na ang mga buto sa dibdib ay hindi mabuksan ang mga baga, kaya hindi ka makahinga at maging sanhi ng estado ng hypoxia. Ang kakulangan ng oxygen na ito ay magiging sanhi ng biglaang paghinto ng puso, na maaaring humantong sa pagkamatay ng utak.
Itinuro ni Dr Huang Baiyao na kapag sila ay may problema sa bentilasyon, sila ay magsisimulang makaramdam ng pagkahilo at hypoxia sa loob ng mga 10 hanggang 20 segundo, at ang ilang mga tao ay mawawalan ng malay. Kung hindi ito gagawan ng paraan na magkaroon ng enough na ventilation sa loob ng isang minuto, ito ay magdudulot ng brain death.
Iminungkahi ni Dr. Huang Baiyao na kung hindi ka makalabas sa pagkasiksik, dapat mong ilagay ang iyong mga kamay sa paligid ng iyong dibdib upang magkaroon ng espasyo ang lungs sa paghinga , ngunit sa kaso ng insidente sa Itaewon, dahil ang aksidente ay nangyari sa isang makipot na daan at karamihan ng tao lalo na sa mga unang hanay, kahit na ang pagprotekta ng kamay sa dibdib ay wala ng silbi.
Ang pinakamahusay na paraan upang maiwasan ang ganitong uri ng aksidente ay ang pag-iwas sa pagpunta sa mga mataong lugar.