close
RTI to GoDownload RTI APP now
Open
:::

Taiwanese NGOs dumalo sa UN climate Summit

  • 01 December, 2022
  • 汪馬雪莉
Taiwanese NGOs dumalo sa UN climate Summit
Leaders from around the globe are meeting in Egypt for the UN climate summit. (Source: Pixabay)

Ang mga Taiwanese NGOs ay makikilahok sa UN climate summit o COP27 ngayong taon. May ilan ding kinatawan ng Taiwan Youth Climate Coalition ay magtatalumpati sa youth forum. Ang summit ngayong taong ito ay nakatutok sa pagpapababa ng emissions at tulungan ang mga bansang tumugon sa mga epekto ng climate disruption.

Hindi bahagi ang Taiwan ng mga pandaigdigang kasunduang lumalaban sa climate disruption sapagkat hindi ito miyembro ng UN. Subalit, madalas na nakikibahagi bawat taon ang mga NGOs sa climate summit, at kinakatawan nito ang bansa at ipinaaalam sa buong mundo ang karanasan ng Taiwan.

Ayon kay Coalition member Chang Jui-ching (張睿晴), ang kanyang grupo ay dumalo sa summit hindi upang kumuha lamang ng mga larawan kundi makipag-ugnayan sa iba pang youth activists mula sa ibang mundo. Ayon pa sa kanya, ang mga kabataang gaya niya ay karaniwang nababansagan at nagagamit sa mga “youthwash” conferences gaya ng summit. Ibig sabihin, sila ay ginagamit upang magmukhang mas makabuluhan ang summit kahit na hindi. Subalit, binanggit din ni Chang na handa siyang gamitin ang anumang oportunidad upang marinig ang kanyang boses.

Samantala, noong Miyerkules, nanawagan ang mga climate groups sa pamahalaang Taiwan upang taasan pa ang antas ng greenhouse gas emissions ng 20% hanggang 40% sa 2030. Ayon kay Climate advisor Tsai Chung-yueh (蔡中岳), ang pagsasakatuparan ng net-zero emissions goal ng Taiwan sa 2050 ay hindi posible kung hindi tataasan ang 2030 reduction targets. Idinagdag pa niya na ang hindi pagkilos ay maglalagay sa pangako ng Taiwan hinggil sa carbon neutrality sa hindi magandang posisyon.

Comments

Latest Newsmore