close
RTI to GoDownload RTI APP now
Open
:::

Maaaring Tumaas Ang Mga Bayarin sa National Health Insurance Simula sa Unang Kalahati ng 2023

  • 02 December, 2022
  • 呂曉倩
Maaaring Tumaas Ang Mga Bayarin sa National Health Insurance Simula sa Unang Kalahati ng 2023
Photo CNA

Ang bagong sistema ng co-payment ng Taiwan para sa national health insurance ay maaaring magkabisa sa unang kalahati ng susunod na taon. Iyan ay nagmula sa Health Minister Hsueh Jui-yuan (薛瑞元) noong Martes. Dagdag pa nya na ang pinakabagong update na ito ay hindi nangangahulugang isang pagkaantala sa plano ng gobyerno na itaas ang mga bayarin sa national health insurance. Ngunit sinabi niya na ang gobyerno ay kailangang higit na obserbahan ang mga kondisyon ng ekonomiya ng bansa bago gawin ang desisyong ito.


Sinabi ng ministro kahit na ang pagkalat ng COVID-19 ay nagpapatatag sa Taiwan, hindi pa rin sigurado ang pagbangon ng ekonomiya ng bansa at ang planong itaas ang mga medikal na bayarin sa national health insurance ay hindi makakaapekto sa mga grupong mababa ang kita. Ngunit idinagdag niya na dahil ang pangkalahatang populasyon ay kailangang magbayad ng bahagyang mas mataas na bayad sa medikal, isinasaalang-alang ng gobyerno kung ito ay abot-kaya pa rin sa kasalukuyang estado ng ekonomiya ng bansa.

Comments

Latest Newsmore