close
RTI to GoDownload RTI APP now
Open
:::

Hindi makontrol na epidemya sa China kumalat sa Hong Kong, Taiwan, Thailand, at Macao

  • 22 December, 2022
  • 汪馬雪莉
Hindi makontrol na epidemya sa China kumalat sa Hong Kong, Taiwan, Thailand, at Macao
The heat-clearing and detoxifying drug area of ​​a pharmacy in Beijing was swept away. (Associated Press/Dazhi Image)

Niluwagan na ng China ang kanilang mga prevention measures laban sa epidemya kung kaya’t madaling namili ng mga gamot gaya ng pain relievers at antipyretics ang mga tao. Mayroong ilan na nagpabili na ng nasabing mga gamot sa kani-kanilang mga kamag-anak, kaibigan, maging mga may-ari ng negosyo mula sa ibang bansa. Ayon sa ulat ng foreign media, nakaranas ng pakyawang pagbili sa mga botika sa mga bansang Hong Kong, Taiwan, Thailand, at Australia bago ito ipinadala sa bansang China.

Dagdag pa dito, mabilis na nawala sa pamilihan ang Paxlovid, isang prescription drug na ginagamit bilang panggamot sa mga moderate at severe COVID-19 cases matapos tumaas ang presyo nito na nagkakahalaga ng RMB 2,980 (NT$ 13,300) sa Chinese Internet. Subalit, ayon sa ulat ng Chinese media, may ilang mga purchasing agents ang nagbebenta nito ng palihim sa mataas na halagang 3,500 yuan.

Ayon sa ulat mula sa Reuters at Deutsche Welle, maraming botika at supermarket sa Hong Kong ang nawalan ng stock ng mga gamot sa lagnat, ubo, at mga pain relievers. Ilan sa mga kilalang gamot gaya ng "Bi Li Pain" (Pula Pain) at "Happiness Cold Supplement" ay ubos na sa mga botika.

Ayon din sa mga ulat, isang Anhui citizen na may apelyidong Li na naninirahan sa Hong Kong ang bumili ng mahigit na 10 uri na gamot sa sipon para sa kaniyang mga kamag-anak at kaibigan sa China. Sabi niya, nalaman niyang wala nang gamot na mabili sa mga pamilihan sa China, kahit na mga gamot sa sipon at lagnat, kaya’t ito ang nag-udyok sa kanya na bumili sa Hong Kong at agad na ipinadala sa China.

Sinabi rin ni Li na sa kabila ng pagluluwag ng China ng kanilang prevention at pagkontrol sa epidemya, ang kanyang hometown sa Anhui ay sumasailalim pa rin sa mahigpit na kontrol at hindi sila makalabas upang bumili ng mga gamot. Isa sa mga ito ay ang kanyang lola na nakatira sa isang nursing home at bawal talagang lumabas, mahigpit din na ipinagbabawal ang pumasok sa nasabing nursing home. Kahit na may mga padala mula sa courier, kailangan pa itong ma-disinfect bago tanggapin.

Kinailangan na ring magtakda ng mga purchase restriction policy ang mga botika sa Bangkok, Thailand upang makatugon sa mga mamimiling Chinese na namamakyaw ng mga painkillers. Sinabi ng isang manager ng isang botika na ang karaniwang namamakyaw ng mga gamot ay mga Chinese. Kapag sinabi nilang may 20 kahong gamot, bibilhin nila itong lahat.

May mga nabanggit ding ulat sa Melbourne, Australia, maging sa malayong bahagi ng Oceania na nagkaroon ng mabilisang pamamakyaw ng mga painkillers sa mga botika kung saan naninirahan ang mga local Chinese sa komunidad.

Inulat ng Deutsche Welle na noong ika-19 sinabi ni Wang Bisheng, ang commander ng Taiwan's Central Epidemic Command Center, na ang gamot na Pronatonin mula sa Taiwan ay binili na rin ng maramihan na nagdulot ng pagkaubos nito sa mga tindahan. Bunga nito, nagdeklara na ng out-of-stock ng nasabing gamot at mahihirapan na ring mag-order nito. Umapila siya sa publiko na huwag bumili ng maramihan ng mga nasabing gamot upang maipadala sa ibang bansa dahil maaari silang magpairal ng mga mahihigpit na patakaran kung ito’y patuloy na mangyayari.

Inulat ng The Paper na ang pagtaas ng demand ng mga nasabing gamot ay nagdulot ng pagbaling ng mga mamimili na bumili nito sa mga informal channels. May mga iba’t ibang Chinese social platforms na palihim nagbebenta at bumibili ng mga iniinom at generic na mga gamot. Isa na rito ay ang presyo ng Paxlovid na umabot sa 3,500 yuan kada isang kahon. Matapos makumprima ang appointment, ito ay ishi-ship na at inaasahang darating sa Chinese customs sa loob ng 2 linggo, at hindi na kailangan pang magsumite ng mga medical records.

Noong ika-20, sinabi ni Mi Feng, ang spokesman of the National Health Commission ng People's Republic of China, na ang pangunahing prayoridad ng epidemic prevention ng China ay masiguro ang pagtanggap ng medical treatment ng publiko at pagtuunan ng pansin ang pagpapalakas ng mga polisiya sa prevention, control, at health services sa mga rural areas.

Comments

Latest Newsmore