Matapos bumagsak ang stock price noong nakaraang taon, nagpatuloy na bumagsak ang stock price ng Apple Inc ngayong ika-tatlo na nagdulot ng pagbagsak ng stock market value ng mas mababa sa US$2 trillion (NT$61.4 trillion), na unang beses na nangyari simula noong March 2021.
Iniulat ng Reuters, noong nakaraang taon ang market value ng iPhone marker ay tumaas ng $3 trillion.
Ayon sa datos mula sa Refinitiv, ang financial information provider ng Eikon platform, bumagsak ang shares ng Apple ngayon ng 3.7% pagkatpos na ibaba ng analyst mula sa Exane BNP Paribas ang investment rating ng Apple mula “outperform” na naging “neutral” at ibinaba ang target ng kanilang stock price mula $180 na naging $140 at ngayon ay $125.07.
Bumagsak ang stock price ng Apple nitong ikatlo na nagdulot ng pagliit ng market value nito sa $1.99 trillion.
Ayon sa kasalukuyang share price ng Apple, ang kanilang market capitalization ay bahagyang nauuna sa Microsoft Corp na nasa $1.8 trillion.
Nakapagdulot din ng agam-agam sa mga mamumuhunan na magdudulot ng hindi magandang demand sa mga Apple devices ang mabagal na takbo ng pandaigdigang ekonomiya at mataas na implasyon. Binaggit din ng Nikkei na mayroong mga hindi nagpakilalang mga suplayer na nagsabi na raw ang Apple sa mga suplayer nito na bawasan ang ilang mga bahagi o components sa paggawa ng kanilang mga earbuds , relos, at laptops.
Binawasan ng Reimer ang mga Apple iPhone shipment nitong fiscal year 2023 mula 245 milyon ay naging 224 milyon na lamang na nagdulot ng mga suliranin sa supply chain ng Foxconn at pagbabawas ng paggastos ng mga konsyumer ng mga high-end mobile phone. Ayon sa Refinitiv, ang Cupertino, Calif-based tech giant ay magdedeklara ng 1% pagbababa sa kita nito noong nakaraang December quarter sa darating na mga linggo. Ito ay sinasabing inaasahan nang mangyayari, at ito na rin ang unang pagkakataon na bumaba ang kita ng Apple simula noong March 2019 quarter.
Nagbenta ang Wall Street ng mga high-valued stock noong nakaraang taon sa kabila ng pagbebenta rin ng mga mamumuhunan ng mga high-valuation stocks bunga na rin ng agam-agam sa patuloy na pagtaas ng mga interest rates.
Sa kasalukuyan, ang Apple, Microsoft, Amazon.com Inc, Google parent Alphabet Inc at Facebook parent Meta Platforms ang bumubuo ng 18% ng kabuoang S&P 500, na mas mababa mula sa 24% noong 2020.
Ngunit, sa kabila ng pagbaba ng shares ng Apple ng 27% noong nakaraang taon, patuloy pa rin itong nagbibigay ng malaking kita para kanilang mga long-term shareholders. Ang mga mamumuhunan na bumili at may mga hawak na Apple stock nang ilunsad ng Apple co-founder na si Steve Jobs ang iPhone noong 2007 ay kumita na ng mahigit apatnapung (40) beses, hindi pa kasama dito ang mga rights issue kung ikukumpara sa 1.8 beses sa S&P 500 sa magkaparehong panahon.