Nang ilunsad ng TSMC ang Arizona plant relocation ceremony, binaggit ni Tim Cook, Apple CEO na may malalim na pinanghahawakan ang TSMC sa United States at umaasa siyang mapapalawig ang kooperasyong ito sa susunod pang mga taon.
“Kasama natin ang TSMC upang magawa ang mga chips na nagbibigay ng power sa ating mga produkto sa iba’t ibang bahagi ng mundo,” ayon kay Cook. “At habang pinatatatag ng TSMC ang kanilang mas malawig na ugnayan sa United States, umaasa tayong lalawak din ang kolaborasyong ito sa kanila sa mga susunod pang mga taon.”
Nagpost din siya sa social networking site na Twitter na “Nagsimula na ang Apple Silicon ng mas magandang uri ng performance para sa kanilang mga users. Sa lalong madaling panahon, ang karamihan sa mga chips na ito ay makikilala nang “Made in the USA.” Nagpahayag na ang Arizona plant ng TSMC ng panibagong panahon ng mas advanced na paggawa sa United States, at maipagmamalaki nating tayo ang pinakamalaking kostumer nila.”
Ayon sa ulat ng Reuters, nagpaplano ang TSMC na magtayo ng second phase ng proyekto nila sa Arizona na may kabuoang puhunang $12 billion hanggang $40 billion, na may tinatayang kita na $10 billion kung ang dalawang fabs ay makukumpleto na.
Ang unang phase ng Arizona fab ng TSMC ay nakatakdang magsimula ng operasyon sa 2024 at ang kasunod na ikalawang phase ay magsisimula ng kanilang pinaka-advanced na produksyon ng 3nm process sa 2026.
Ang ilan sa mga CEO ng mga malalaking kostumer ng TSMC, kasama na si US President Joe Biden at Cook ay dumalo sa relocation ceremony ng $12 billion Phoenix fab ng TSMC noong ika-anim.
Ilan sa malalaking kostumer ng TSMC gaya ng Apple Inc, Nvidia Corp at Advanced Micro Devices Inc ay umaasang ang kanilang mga chips ay gagawin na sa bagong planta nito sa Arizona.
Ayon kay Lisa Su, CEO ng Supermicro, “Umaasa ang Superway na maging isa sa malalaking kostumer ng dalawang fab na ito at tayo ay nakatuon na makikipagtulungan sa TSMC at sa buong ecosystem.”