Nang manungkulan bilang Pangulo ng Pilipinas si Ferdinand Marcos Jr. noong kalagitnaan ng nakaraang taon, binago niya ang “pro-China, Yuan-US” line na pinairal ng kanyang pinalitang pangulo na si Rodrigo Duterte. Layon nitong mabalanse ang relasyon sa pagitan ng China, ang pinakamalaking trading partner ng bansa at ng US na siya namang kakamping militar ng Pilipinas. Sa unang bahagi ng 2023, malugod na tinanggap ni Chinese President Xi Jinping si Marcos nang ang huli’y bumisita sa Beijing. Ayon sa mga pagsusuri, aktibong sinusuyo ng Beijing ang Pilipinas upang masigurong hindi tuluyang magiging malapit ang loob ng Manila sa United States.
Sinusuyo ng Beijing si Marcos Jr. upang maiwasan na mas maging malapit ang loob nito sa U.S.
Malugod na tinanggap ni Chinese President Xi Jinping ang pagbisita ni Philippine President Marcos Jr. nitong Enero 4. Ito ang kauna-unahang pag-alis ni Marcos Jr. sa labas ng Southeast Asia simula nang manungkulan siya bilang pangulo noong Hunyo ng nakaraang taon. Si Marcos Jr. din ang kauna-unahang dayuhang lider na malugod na tinanggap ng Beijing nitong 2023. Sa kanyang pagbisita, nakatuon ang Beijing at Manila na makalikha ng mas magiliw na relasyon at pansamantalang isinaisantabi ang pinakamalaking sigalot sa pagitan ng dalawang bansa – ang agawan sa soberanya sa South China Sea. Binigyang-diin ng pagsusuri na may mga sari-sariling plano ang Manila at Beijing sa pagbisita ni Marcos sa Bank of China.
Ito ang ikalawang pagpupulong ni Xi Jinping at Marcos Jr. sa loob halos ng dalawang buwan lamang. Sila ay impormal na nagpulong noong Asia-Pacific Economic Cooperation (APEC) summit sa Bangkok nitong nakaraang Nobyembre.
Ito rin ang kauna-unahang diplomatikong gawain ni Xi Jinping ngayong 2023 at itinuturing na mahalaga para sa Beijing. Ayon sa pagsusuri ng South China Morning Post (SCMP), inimbitahan ng Beijing si Marcos Jr. na bumisita sa China sa panahong nagiging mahigpit ang kumpetisyon sa pagitan ng United States at China. Isa sa mga layunin nito ay mapigilan ang Pilipinas bilang isa sa pinakamahalagang kasapi ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) na lubusang maging malapit sa United States.
Ayon sa Chinese Foreign Ministry, ang pagbisita ni Marcos Jr. ay nagpapakita ng kahalagahan ng pagpapanatili ng relasyong bilateral sa pagitan ng China at Pilipinas at lilikha ng new golden era sa pagiging magkaibigan ng China at Pilipinas.
Magsisilbing pagsubok kay Marcos ang pagbabalanse ng relasyon nito sa pagitan ng United States at China
Para kay Marcos Jr., ang pagbisita niya sa China bilang kauna-unahang bansa sa labas ng ASEAN ang magtatakda ng pagsusulong ng Philippine-China relations sa ilalim ng kaniyang administrasyon.
Iniulat ng Philippine Daily Inquirer (Inquirer.net) na matapos umupo bilang pangulo, sinimulan na ni Marcos Jr. na ayusin ang relasyon nito sa United States. Kasabay nito, sinabi rin niya na ang relasyon sa pagitan ng Manila at Beijing ang magbubukas ng panibagong kabanata ng isang mas komprehensibong pakikiisang istratehiko. Inilarawan siya ng mga diplomatic observers na nakikilahok sa isang maselang “balancing act.”
Noong nakaraang administrasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte, higit na kumiling ang Manila sa China, na itinuturing na isang mahalagang trading partner at lumayo sa itinuturing sa dating nang kakampi nitong United States.
Ang China ang pinakamalaking trading partner ng Pilipinas at isa ring mahalagang tagapagbigay ng mga opisyal na development assistance, at ang ikalawang pinagmumulan ng mga dayuhang turista ng Pilipinas bago naganap ang COVID-19 pandemic. At sa pagpasok ng bansang ito mula sa Southeast Asia sa post-pandemic era, umaasa si Marcos Jr. na magbabalik na sa bansa ang mga turistang Chinese, mga mag-aaral, mga mamumuhunan upang masimulan na ang muling pagbangon ng ekonomiya ng Pilipinas.
Iniulat ng South China Morning Post na tinanggap ni Marcos ang paanyaya ng Beijing na bumisita lamang matapos maitaas ang relasyon sa pagitan ng Pilipinas at United States sa antas kung saan ang bawat panig ay magiging kumportable.
Impormal na nakipagpulong si Marcos Jr kay US President Joe Biden sa New York noong nakaraang Setyembre habang nagaganap ang U.N. General Assembly kung saan napagkasunduan ng dalawang lider na isaisantabi ang mga hindi pagkakaunawaan at higit na palakasin ang relasyon ng dalawang bansa bilang magkakampi sa militar. Siniguro ni Marcos Jr. kay Biden noong panahong iyon na mananatili ang Pilipinas bilang partner, kakampi, at kaibigan ng United States. Samantalang binigyang-diin ni Biden ang matatag na pangako nitong ipagtatanggol ng Washington ang Pilipinas.
Naging focus ang isyu hinggil sa South China Sea sa pagsasabuhay ng relasyon ng China at Pilipinas
Matapos tanggapin ni Marcos Jr. ang paanyaya ni Xi Jinping na bumisita ito sa Beijing nitong Nobyembre at ipahayag ang kani-kanilang intensyon na mapabuti ang kanilang relasyong bilateral, ang patuloy na tensyon ng dalawang bansa hinggil sa isyu ng South China Sea ang naging focus ng atensyon ng iba’t ibang tao.
Inaangkin ng Beijing ang soberanya sa halos buong South China Sea kahit na nagkaroon na ng desisyon ang International Court of Justice sa mga nakalipas na taon na walang anumang legal na basehan ang Beijing dito.
May iba’t ibang isyu ng pag-aangkin sa iba’t ibang bahagi ng South China Sea ang Pilipinas, Vietnam, Malaysia, at Brunei at nito lang nakaraang buwan, ipinag-utos ng Manila na paigtingin ang presensyang militar nito sa pinag-aagawang teritoryo nang malamang tinatarget ng China ang Spratly Islands. Kinondena ng Manila ang mga panibagong land reclamation operations sa apat na hindi tinitirahang isla at reefs, at sinasabing nilabag nito ang mga dati nang international arbitration.
Maliban dito, noong Nobyembre ng nakaraang taon nang napunta sa South China Sea ang mga labi ng isang Chinese rocket, pinigilan ng Chinese Coast Guard ship ang Philippine ship na i-tow ang mga labi na nagdulot din ng tensyon sa dalawang panig.
Ang matagal na isyung ito tungkol sa South China Sea ay magiging pagsubok sa pagpapatibay ng relasyong China-Philippines.
Subalit hindi gaya ni Duterte na hindi pumayag na kondenahin ang Beijing, iginiit ni Marcos Jr. nang siya ay manilbihan na bilang pangulo na hindi niya papayagan ang China na yurakan ang mga karapatang pandagat ng Pilipinas sa nasabing rehiyon. Sinabi rin niya na ang kanyang pagbisita sa Beijing ay upang maresolba ang mga isyung bilateral, rehiyunal, at panseguridad.
Habang sinusubukan ni Marcos Jr. na malinang ang relasyong pangkaibigan sa China, ang sama ng loob ng mga tao sa Pilipinas dahil sa mapamilit na asal ng Beijing sa rehiyon ay isa sa mga sumusubok sa kanyang mga pagtatangka na mabalanse ang relasyon nito sa pagitan ng United States at China.
Sinabi ni Aaron Jed Rabena, isang research fellow sa Manila-based think tank Asia Pacific Pathways to Progress, sa Daily Inquirer na ang byahe ni Marcos Jr. sa Beijing ay isang kwestyon kung kaya niyang mapanatili ang delikadong balancing act sa pagitan ng US at China.
Ayon naman kay Julio Amador III, chairman ng Philippine think tank “National Interest Foundation” na dahil sa malapit na relasyong pang-ekonomiya sa pagitan ng Pilipinas at China at ang masalimuot na isyung panseguridad sa pagitan ng dalawang bansa, ang byahe ni Marcos Jr. sa China ay itinuturing na mahalaga.
Subalit idinagdag pa niya na sa kabila ng pagpapahayag ng dalawang lider ng kanilang pagnanais na magkaroon ng mas bukas na komunikasyon upang mapaundlad ang relasyon ng dalawang bansa, ang isyu kung ito’y matatamo ay nakadepende kung magkakaroon ng follow-up.