Sa isang joint statement, ipinahayag ng China at Pilipinas na napagkasunduan nilang magtatag ng direct communication channel sa pagitan ng kani-kanilang foreign ministries hinggil sa isyu ng South China Sea upang mapayapa itong maresolba.
Naglalaman ang nasabing joint statement ng 14 na kasunduan na naglalayong mapagaan ang mga tensyong panseguridad at mapalakas ang pakikiisang pang-ekonomiya. Sinusubukan ng dalawang panig na maisaayos ang mga nasirang samahan matapos na matamo ng Pilipinas ang arbitration ruling noong 2016 na nagpapawalang-bisa sa pang-aangkin ng China sa South China Sea.
Nauna nang magpahayag ng pangamba ang Pilipinas tungkol sa mga konstruksyong nagaganap sa South China Sea at ang pagdami ng mga Chinese ships sa pinag-aawayang teritoryo. Mayaman sa iba’t ibang resources ang South China Sea gawa ng oil, natural gas, at fishery resources.
Nagpulong ang Pangulo ng Pilipinas Ferdinand Marcos at Chinese President Xi Jinping noong nakaraang Enero 4. Sa isang joint statement na inilabas matapos ang pagpupulong, binigyang-din ng dalawang lider na irerespeto ng dalawang bansa ang kani-kaniyang soberansya at integridad ng teritoryo.
Napagkasunduan din ng dalawang panig na buhaying muli ang negosasyon tungkol sa oil at gas exploration sa South China Sea, at talakayin posibleng pakikiisa sa larangan ng solar energy, wind energy , electric vehicles at nuclear energy.
Magpupulong din sa lalong madaling panahon nag China Coast Guard at Philippine Coast Guard upang talakayin ang tungkol sa “pragmatic cooperation.”
Ayon sa statement, isasaalang-alang ng dalawang bansa na bigyang-babala ang bawat isa tungkol sa mga rocket launches at pakikiisa upang mahanap ang mga rocket wreckage.
Nang mapunta sa South China Sea ang mga labi ng isang Chinese rocket noong nakaraang Nobyembre, pinigilan ng Chinse Coast Guard ang barko ng Pilipinas na kunin nito ang mga nasabing labi.
Binigyang-diin ng pahayag na muling pagtitibayin ang kahalagahan ng pagpapanatili ng kapayapaan at katatagan, kasama na rin ang freedom of navigation at overflight sa South China Sea at maglulunsad ng taunang security dialogue.
Sa larangan ng pakikiisang pang-ekonomiya, sumang-ayon ang China na magbubukas ng mas maraming import mula sa Pilipinas sa pag-asang mapanatili o malagpasan ang antas ng bilateral trade bago magpandemya,
Nangako din ang dalawang bansa na palalakasin ang bilang ng mga pasahero at bilang ng mga byahe sa pagitan ng kani-kaniyang kabisera kagaya ng antas nito bago magpandemya,
Kasama rin sa join statement ang pakikiisa ng dalawang bansa sa pagbili ng mga bakuna. Ang China ang itinuturing na pinakamalaking tagapag-export ng mga bakuna laban sa COVID-19
Ang tatlong araw na pagbisita ni Marcos Jr. sa Beijing ay naganap habang bumabangon ang China mula sa mga border closures na pinairal pa noong 2020 outbreak. Nagdulot ang outbreak ng pagkabalam ng kalakalan at masamang epekto sa ekonomiyang Chinese.
Nag-update din ng kasunduan ang dalawang bansa hinggil sa Belt and Road Initiative. Ang Belt and Road Initiative ay isang signature strategy ni Xi Jinping para sa kanilang mga overseas infrastructure investment.