Ayon sa isang pag-aaral na inilathala ng UBS, ang chatbot na ChatGPT ng artificial intelligence research and development company OpenAI ay tinatayang may 100 milyong aktibong gumagamit, dalawang buwan lamang matapos ilunsad ang sikat na software, kung kaya’t ito rin ang itinuturing na may pinakamabilis na paglaki na consumer app sa kasaysayan.
Mula sa datos ng similarweb, isang web traffic analysis company, binigyang-diin ng ulat na ang ChatGPT ay may average na 13 milyong unique visitors bawat araw.
“Sa 20 taon nang itatag ang cyberspace, hindi namin maalala ang anumang consumer web application na may mas mabilis na paglaki” ani ng ulat ng mga UBS analyst.
Ayon sa datos mula sa market analysis company na Sensor Tower, matapos na ilunsad sa buong mundo ang short video sharing program na TikTok, inabot pa ng 9 na buwan bago nito matamo ang 100 milyong gumagamit, samantalang inabot ito ng Instagram ng 2 hanggang 2 ½ taon.
Awtomatikong nakagagawa ng mga artikulo, sanaysay, mga jokes, pati na rin mga tula ang ChatGPT ayon sa mga input words. Gagawing libre ng OpenAI, isang pribadong kumpanyang suportado ng US tech giant na Microsoft Corp ang programa..
Inanunsyo ng OpenAI ang paglulunsad ng panibagong subscription plan na tinawag na ChatGPT Plus, na nagkakahalaga ng $20 kada buwan at kasalukuyang magagamit lamang sa United States. Ayon sa kumpanya, ang nasabing serbisyo ay magbibigay ng mas matatag at mas mabilis na serbisyo at oportunidad na makakuha ng mas maagang access sa mga bago nitong features.
Naniniwala ang mga tagasuri na ang kasikatan ng ChatGPT ay makapagbibigay sa OpenAI ng first-mover advantage kumpara sa ibang artificial intelligence companies. Ang lumalaking bilang ng mga gumagamit, habang nagtatakda ng malaking computational cost sa OpenAI, ay makapagbibigay ng mahalagang feedback data upang matulungang masanay ang chatbox kung paanong tumugon.
Ayon sa kumpanya, ang kikitain mula sa mga subscription ang siyang magsisilbing pambayad sa computer computing cost.
Ang “ease of use” na gamit ng nasabing tool ay naglikha ng mga agam-agam hinggil sa pagsusulong ng academic dishonesty at misinformation.
Nitong nakaraang buwan, inanunsyo ng Microsoft ang isa pang multi-billion dollar na pamumuhunan sa OpenAI sa anyong cash at cloud computing.