Ang balita ng pagkamatay bunga ng atake sa puso ng superstar at sikat na mang-aawit noong 1970s na si Liu Wenzheng sa United States noong Nobyembre ay nagbunga ng maraming atensyon ngayon. Ilan sa mga sanhi nito ay menopause, paninigarilyo, pagpupuyat, high work pressure, obesity, atbp. Ipinaalala rin niya na ang kawalan ng sintomas ay hindi nangangahulugan na malusog ang puso ng isang tao. Kung may mga risk factor, nirerekomenda ang regular na pagpapatingin sa doktor at makontrol ito habang maaga.
Ang sikat na artista na si Liu Wenzheng ay yumao noong ika-15. Kinumpirma ng kanyang agent na si Xia Yushun na namatay si Liu Wenzheng dahil sa atake sa puso nitong Nobyembre ng nakaraang taon sa edad na 70.
Ang myocardial infarction o atake sa puso ay ang pagputok ng coronary arteriosclerotic plaque na konektado sa puso na siyang magbabara sa buong blood vessel upang pigilan ang pagdadala ng dugo at oxygen sa puso na siyang magreresulta sa coma, shock, at biglaang pagkamatay.
Sinabi ni Wu Yanwen, director of the Cardiovascular Medicine Center of Yadong Hospital sa isang panayam noong tanghali ng ika-15 na ang pangkaraniwang sintomas ng myocardial infarction o atake sa puso ay ang paninikip at pananakit ng dibdib, malamig na pawis, at pagbagsak ng blood pressure. Subalit ang ilang tao ay maaaring magkaroon ng hindi gaanong malalang pagbabara o kaya’y hindi nila mapapansin na mayroon silang sintomas, kung kaya’t hindi nila malalaman na mayroon silang myocardial infarction hanggang sa oras na aatakihin na lamang sila.
Binigyang-diin ni Wu Yanwen na ang mga nasa high-risk group para sa myocardial infarction ay binubuo ng “three high” na pasyente, mga matatandang lalaki, babaeng nasa menopausal stage, at yaong mga obese, naninigarilyo, nagpupuyat, at may family history. Sinabi rin niya na magpapakita lamang ang mga sintomas kung magkakaroon na ng mga pagbabara sa mga blood vessels. Kung kaya’t ang kawalang-sintomas ay hindi nangangahulugang malusog ang blood vessels ng isang tao. Mahalagang matingnan kung ikaw ay may risk factors at ang regular na inspeksyon ay makatutulong upang makita ito ng mas maaga. Ayon sa kanya: “(Orihinal na boses) Ang mga lalaking lagpas 40 taong gulang, mga babae pagkatapos ng menopause, ang mga pasyenteng may mataas na blood pressures, mataas na blood sugar, mataas na blood lipids, at mga naninigarilyo ang mga high-risk group para sa mga magkakasakit sa puso; at para sa ilang tao na may hindi maayos na istilo ng pamumuhay, gaya ng mga kabataang laging nagpupuyat o kaya naman may maraming work pressure, mga obese, ay nabibilang din sa high-risk group.”
Ipinaalala ni Wu Yanwen na ang winter o taglamig ang panahon ng myocardial infarction o atake sa puso. Ang mga taong may sakit sa puso ay kailangang regular na uminom ng gamot, panatilihing mainit ang katawan o warm, kumain ng madaling matunaw na pagkain, at uminom ng maraming tubig upang mabawasan ang risk na mangyari ang atake.
Paano naman tutugon kapag mayroong myocardial infarction o atake sa puso? Ayon kay Wu Yanwen, para sa mga taong may nakaraang medical history, maaaring magreseta ang mga doctor ng mga sublingual lozenges na kilala bilang “Ji Xin.” Uminom ng isang tableta, at kapag walang pagbabago, inumin ang ikalawang tableta. Kung hindi pa rin nagiginhawahan, kailangan nang magpunta sa emergency department bago inumin ang ikatlong tableta, kailangan nang humingi ng atensyong medikal.