Inanunsyo ng Pangulo ang bagong "Smoke Harm Prevention Act". Inilahad ng Taiwan Tobacco Rejection Alliance" na sa gitna ng napipintong pagpasok sa Taiwan ng heated tobacco, nagsagawa sila ng dalawang pangunahing apela, kasama na rito ang hindi pagpayag na malinlang ang publiko na paniniwalang ang heated tobacco ay makapagpapababa ng pagkonsumo ng tobacco products. Ito ay mapaminsala at hindi nito tinatanggap ang mapanlinlang na “IQ*S” (I quit ordinary smoking), ang English abbreviation brand name na makapasok sa Taiwan, ang ito’y dapat mag-apply ng health risk assessment na may pangalang Chinese.
Binigyang-diin ni Guo Feiran, secretary-general ng Taiwan Medical Tobacco Hazard Prevention Alliance na binuksan na ng Japan ang paggamit ng heating tobacco at ang antas ng paggamit nito ay tumaas mula 0.3% noong 2015 sa 12.5% nitong 2022. Kalahati ng bilang ng mga naninigarilyo ay gumagamit ng heated tobacco, at ito’y itinuturing na best-selling product sa Japan. Ito ay dahil na rin sa pagpapatalastas na ito’y hindi gaanong mapaminsala kumpara sa sigarilyo at maaaring mapalitan ng mas magandang uri ng tobacco products; sinabi rin niya na dahil ang "health risk assessment" ay naisama na sa nasabing batas, hindi na maaaring payagan ng pamahalaan ang mekanismong ito upang malinlang ang publiko na isiping hindi gaanong mapaminsala ang heated tobacco.
Sinabi ni Lin Qingli, direktor ng Tobacco Hazard Prevention Center ng Dong Foundation na ang American heated tobacco brand na "IQ*S" na nangangahulugang I quit ordinary smoking ay malawakan nang naibebenta sa pamilihan. Kahit na kinumpirma na makatutulong ito upang tumigil ang isang tao sa paninigarilyo, hindi pa rin ito tinanggap ng mga PMI cigarette manufacturer. Binigyang-diin niya na ayon sa Artikulo 9 ng bagong amyendang Tobacco Hazard Control Law, “ang mga tobacco products, mga brand name, at kanilang mga lalagyan ay hindi dapat gumagamit o hindi dapat lagayan ng light smoke, low tar, o iba pang substances na maaaring maglinlang sa tao na ang paninigarilyo ay hindi magdudulot ng masama sa kalusugan ng isang tao o mayroon lamang bahagyang risk ng pinsala. Ang mga salita at simbolo ng “IQ*S” ay hindi dapat maging product name na aprubado ng bansa ayon sa isinasaad ng batas.
Binigyang-diin din ni You Kaixiong, honorary chairman ng Consumer Culture and Education Foundation na ang mga salitang "Health Risk Assessment" ay pwedeng isang mekanismo na natatanging ginawa para sa pagbubukas ng mga heated tobacco products. Sa kabilang banda, nalinlang nito ang mga mamimili na natutulungan sila nitong huminto sa paninigarilyo , at sa kabilang banda pa rin, mariin nitong pinapakita na ang paglilipat ng paggamit ng heated tobacco ay nagpapababa ng pagdudulot ng pinsala, na hindi lamang makaaapekto sa para sa isang naninigarilyo na huminto na sa paninigarilyo kundi labagin din ang Artikulo 12 ng bagong batas na nagbabawal sa pagsusulong ng mga tobacco products. Sinabi na rin niyang napipinto na rin ang pagbubukas ng paggamit ng heated cigarettes sa Taiwan. Kailangang isumite ng mga tobacco manufacturer ang kanilang brand name sa wikang Chinese para sa pagrerebyu, sa halip na gamitin ang mga mapanlinlang na pangalan nito sa Ingles, na siya namang akma sa lehislasyon.
※"Masama ang paninigarilyo sa kalusugan", "Maaaring magdulot ng kanser ang paninigarilyo", "Maaaring magdulot ng lung cancer, cardiovascular disease at emphysema ang paninigarilyo"※