close
RTI to GoDownload RTI APP now
Open
:::

Pagbenta ni Buffet sa TSMC investment: hindi mababago ang katotohanan

  • 16 March, 2023
  • 汪馬雪莉
Pagbenta ni Buffet sa TSMC investment: hindi mababago ang katotohanan
tsmc。(AFP)

Nitong fourth quarter ng nakaraang taon, inalis ng Berkshire, isang subsidiary ng Warren Buffet ang 51.786 million shares nito sa ADR Holdings ng TSMC, kung saan may natira na lamang na 8.29 million shares, nabawasan ng 86%. (Larawan: TSMC official website)

Binili ni Buffet na kilala bilang isang stock god, ang TSMC American Depositary Receipts (ADRs) nitong third quarter ng nakaraang taon sa ilalim ng kanyang subsidiary na Berkshire. Subalit, ayon sa pinakabagong datos ng US Securities and Exchange Commission, hinawakan lamang ito ng Berkshire ng isang quarter. Noong first quarter, labis na nabawasan ang pamilihan na nagdulot ng pagkagulat sa pamilihan. Subalit, naniniwala ang mga domestic investment consultants na ang pagbebenta ni Buffet ng TSMC ay hindi makapagpapabago sa katotohanang simula nang pumasok ang bagong taon, nadagdagan ang foreign capital ng mahigit 200,000 TSMC.

Ayon sa mga panuntunan ng US Securities and Exchange Commission (SEC), habang ang mga assets sa ilalim ng management of investment institutions ay mahigit sa US$100 million, kailangan silang magsumite ng mga quarterly report. Ayon sa pinakabagong ulat mula sa SEC, inalis ng Berkshire, isang subsidiary ng Warren Buffet ang 51.786 million shares ng TSMC’s ADR noong fourth quarter ng nakaraang taon, at nag-iwan na lamang ng 8.29 million shares, nabawasan ng 86%. Habang hindi inaasahang binawasan ni Buffet ang kanyang mga holdings, bumagsak sa loob ng isang araw ng 5.28% ang US stock market ng TSMC’s ADR. Sa pagwawakas, nakabawi ito ng 1.92% laban sa trend at ang stock price ay umabot ng 97.96 US dollars.

Samantala sa share price ng TSMC sa Taipei stock market, dahil na rin sa malawakang pagbabawas ni Buffet, bumagsak ang stock price ng 20 yuan, o mataas ng 3.67% at nadamay sa pagbagsak ang mga semiconductor stocks. Nagkaroon ng break through na 15,500 point checkpoint.

Binenta ni Buffet ang kanyang shares ng TSMC sa loob lamang ng isang quarter na ikinagulat ng mga domestic investment at investment advisory companies. Ayon sa pagsusuri ni Zhu Chengzhi, chairman of Wanbao Investment Consulting, ang ganitong uri ng pakikipagkalakalan ay kakaiba sa mga nakaraang paraan ni Buffet, binigyang-diin din ng pagsusuri na sa unang anim na buwan ng taong ito, magkakaroon ng malawakang inventory adjustment sa electronics at semiconductor industries. Subalit sinabi rin niya na kahit na ibinenta ni Buffet ang TSMC, hindi nito mababago ang katotohanan. Ayon pa kay Zhu Chengshi: “(Orihinal na boses) Hindi niya nabago ang katotohanan na kahit na binawasan ni Buffet ang taya noong fourth quarter, nadagdagan naman ang foreign capital ng mahigit 200,000 contracts simula noong Q1 ng kasalukuyang taon. Posible kayang bumawi si Buffet nitong Q1?”

Kahit na malawakan ang pagbabawas ng Berkshire ng holdings nito sa TSMC’s ADR, ilang major funds gaya ng Fidelity Investments and Bridgewater sa United States ay nagrebisa ng kanilang operasyon noong fourth quarter ng nakaraang taon at dinagdagan ang kanilang holdings sa TSMC’s ADR; ilan sa mga ito, dinagdagan ng Fidelity Funds ang kanyang holdings ng 74% o 2778 million units, na may market capitalization na US$2.069 billion.

Comments

Latest Newsmore