close
RTI to GoDownload RTI APP now
Open
:::

Nagbukas na Berlin International Film Festival sa pakikiisa sa mga napoprotestang Ukranian at Iranian

  • 23 March, 2023
  • 汪馬雪莉
Nagbukas na Berlin International Film Festival sa pakikiisa sa mga napoprotestang Ukranian at Iranian
Federal Government Commissioner for Culture and the Media

Sa tatlong pangunahing film festival sa Europa, ang Berlin International Film Festival ang madalas na nagbibigay ng atensyon sa mga isyung pulitikal. Ang pokus ng ika-73 edisyon ay ukol sa Ukraine at Iran. (AFP)

Ang Berlin International Film Festival (Berlinale), ang kauna-unahang malaking film festival sa Europa. Sa 11-araw na film festival, humigit-kumulang na 300 pelikula mula sa iba’t ibang bansa ang ipapalabas, kasama na rito ang palabas na romantic comedy na “She Came to Around Me” (She Came to Me) ay napili bilang opening film.

Sa tatlong pangunahing film festival sa Europa, ang Berlin International Film Festival ang madalas na nagbibigay ng atensyon sa mga isyung pulitikal. Ang pokus ng ika-73 edisyon ay ukol sa Ukraine at Iran, kasama na ang mga bagong pelikula at documentaries na gumugunita ng unang anibersaryo ng pananakop ng Russia sa Ukraine at ang mga protesta laban sa pamahalaan ng Iran.

Magho-host ang Berlinale ng serye ng mga espesyal na kaganapan, kasama na rito ang mga panel discussion at red carpet protests, bilang pakikiisa sa mga mamamayan ng Iran at Ukraine.

Si Sean Penn, isang Hollywood actor na bumisita sa Kiev pagkatapos ng pananakot ng Russia, ang maglalarawan ng pagbabago ng Ukranian President Volodymyr Zelensky mula sa pagiging isang komedyante sa pagiging pangulo, ayon sa serye ng mga pag-uusap ng mga bayani ng digmaan.

Sinabi ni Sean Penn, isang two-time Oscar winner, sa Entertainment Weekly “Variety” ngayong linggo na “Naging dalawang magkaibang uri ng tao si Zelensky sa maikling panahon... Siya ay isang soul in waiting.”

Inaasahang magtatalumpati si Zelensky sa Berlinale sa pamamagitan ng videoconference.

Ngayong taon ding ito, pinagbawalan din ng Berlinale ang mga filmmakers, mga kumpanya, at mga mamamahayag na may direktang pakikipag-ugnayan sa mga pamahalaan ng Russia at Iran na dumalo sa anumang kaganapan na may kaugnayan sa festival.

Si Iranian-French actress Golshifteh Farahani ang isa sa mga hurado ngayong taon. Samantalang ang jury chair ay si "Twilight Girl" Kristen Stewart. Sa edad na 32 taong gulang, siya ang pinakabatang chairman sa kasaysayan.

Ngayong taon, mayroong 19 na pelikula ang maglalaban-laban para sa Golden Bear Award para sa best film sa international competition, kasama na rito ang Chinese animation "Art College" (Art College 1994) at Japanese animation "Suzume". 1/3 ng 19 na produksyon ang ginawa ng mga kababaihan na bumubuo sa 40% ng kabuoang directors sa festival.

Bilang karagdagan, ang isa sa mga pinakatanyag na American director na si Steven Spielberg ay pararangalan ng Golden Bear Award for Lifetime Achievement bilang pagkilala sa kanyang katangi-tanging kontribusyon sa industriya ng pelikula.

Comments

Latest Newsmore