close
RTI to GoDownload RTI APP now
Open
:::

Ang mga Katotohanan at Kahirapan sa Pakikitungo sa mga Illegal Immigrants sa United States

  • 23 March, 2023
  • 汪馬雪莉
Ang mga Katotohanan at Kahirapan sa Pakikitungo sa mga Illegal Immigrants sa United States
Pinapakita ng larawan si Biden na iniinspeksyon ang US-Mexico border sa Texas. (Reuters/Dazhi Image)

Sa pagtatapos ng 2022, ipinahayag ng "Bureau of the Census" (Bureau of the Census) ang pagtataya at pagbabago ng populasyon sa United States at sa mga states nitong 2022 (2021-2022). Ang kabuoang bilang ng mga bagong immigrant ay nasa 47.9 milyon (14.6% ng kabuoang populasyon sa US), ang pagtaas ng bilang ay may kaugnayan ng patuloy na pagpasok ng mga illegal immigrant sa US-Mexico border. Ang sitwasyong ito ay hindi nagpapakita ng pagbagal, subalit walang magawa ang mga immigration policy sa kasalukuyan at nangangailangan na ito ng mabilisang pagbabago.

Kasama sa mga sinasabing bagong immigrants ang mga legal at illegal na immigrants, at ang mga illegal na immigrants ay binubuo ng: iligal na pagpasok sa United States, visa overstayers, temporary protected status (TPS) at iba pa.

Lubhang seryoso ang suliranin hinggil sa iligal na immigration. Mahigit 2 milyong tao ang dumadagsa sa US-Mexico border bawat taon.

Ayon sa 2020-2023 statistics ng U.S. Customs and Border Protection (CBP), ang kabuoang bilang ng mga illegal na immigrants na pumapasok sa United States mula sa U.S.-Mexico border ay higit na mataas ng 20 beses sa bilang ng mga taong pumapasok sa U.S.-Canada border. Ang bilang ng mga illegal na immigrants na dumadagsa sa US-Mexico border ay patuloy na nagbibigay ng bagong tala; sa fiscal year 2021, nagbigay ito ng pinakamataas na tala simula noong 1960 sa bilang na 1.73 milyon; noong 2022, may panibagong tala na may bilang na 2.37 milyon; at para sa fiscal year 2023, sa unang tatlong buwan, mayroong 710,000 tao, na mas mataas kumpara sa kabuoang bilang noong 2020, at ang posibilidad na magkaroon ng bagong tala ay sadyang napakataas.

Simula noong May 2020, kapag nahaharang ng United States Border Patrol (USBP) ang mga illegal na immigrants, may dalawang paraan para sa pakikitungo sa kanila:

• (Pansamantalang) pagkukulong sa ilalim ng Title 8 of the US code; mga immigrants na nanghihingi ng asylum sa takot sa persekusyon o iba pang banta sa kanilang mga shelter.

• Agarang deportasyon sa kanilang home country o huling bansang kanilang pinanggalingan sa ilalim ng Title 42 expulsion. Binibigyang-kapangyarihan ng batas ang Centers for Disease Control and Prevention (CDC) na pagbawalan ang mga immigrants na makapasok sa United States sa ilalim ng batayang “natukoy na ang pagsasagawa nito, maiiwasan ang paglaganap ng mga nakakahawang sakit.” Ang panukalang-batas na ito’y bihirang gamitin noong nakaraang panahon. Noong May 2020 sa pamumuno ng nakaraang Trump administration, ipinairal ang panukalang-batas na ito upang maharang ang pagpasok ng mga illegal na immigrants.

Kahit na hindi kabilang sa trabaho ng "Centers for Disease Control and Prevention" ang ukol sa iligal na immigration, bunga na rin ng pagtataya ng sitwasyon matapos ang outbreak ng bagong crown pneumonia epidemic noong mga panahong iyon, naging makatuwiran ang paggamit ng "Article 42 Act" upang maproteksyunan ang United States. Sa pagpapairal ng rapid screening and vaccination, naniniwala ang "Center for Disease Control and Prevention" na ang dahilan ng pagpapairal ng "Article 42 Act" ay nawala. May ilang mga eksperto at iskolar ang naniniwala na dahil pinapayagan naman ang mga international travelers na makapasok sa United States, hindi dapat tinatanggihan ang mga refugees.

Subalit magkaiba ang pananaw ng dalawang Partido sa United States sa nasabing isyu. Sa statistical chart ng Pew Research Center, malinaw na ipinakikita na pinapaboran ng nakaraang Trump administration (Republican Party) ang paggamit ng “Article 42 Act”. Ang kasalukuyang administrasyon ni Biden (Democratic Party) ay nakapokus sa paggamit ng “Article 8 Act.” Samakatuwid, nitong Nobyembre ng nakaraang taon, 68% ng mga illegal na immigrants ang nakulong.

Sa kabuoan, hinaharang ng U.S. Border Patrol of U.S. Customs and Border Protection ang mga illegal na immigrants at sila’y agarang dinedeport o kaya’y ikinukulong. Lahat ng mga illegal na immigrants na ikinulong ng US Customs and Border Protection ay inililipat sa mga US Immigration and Customs Enforcement (ICE) detention centers. Mayroong mahigit 200 ICE "detention centers" sa buong United States, na maaaring pribado o pinapatakbo ng pamahalaan.

Comments

Latest Newsmore