Ayon sa ulat ng AFP, ipinahayag noong ika-15 ni World Bank President Malpass (David Malpass) na bababa na siya sa posisyon na mas maaga ng isang taon na nagbibigay wakas sa panunungkulan niya sa gitna ng usapin ng climate change.
Si U.S. President Donald Trump ang nagnominate kay Treasury Undersecretary Malpass na pumalit sa posisyong ito sa World Bank noong 2019. Sa panahon ng kanyang panunungkulan, tumugon ang World Bank sa mga pandaigdigang krisis gaya ng COVID-19 (coronavirus disease 2019), pananakop ng Russia sa Ukraine, at ang paghina ng pandaigdigang ekonomiya.
Ayon kay Malpas na 66 taong gulang na, ipinagbigay-alam niya sa board ang kanyang desisyon matapos niyang pinag-isipang mabuti na nais na niyang tumugon sa ibang panibagong hamon.
Idinagdag pa niya na ito na ang oportunidad para sa isang maayos na transisyon ng pamumuno dahil humaharap ang Bank Group sa lumalaking pandaigdigang pagsubok.
Humarap si Malpass ng iba’t ibang panawagan sa kanyang pagbibitiw o pagpapaalis sa posisyon nitong mga nakaraang buwan.
Ilang mga Climate activists ang nanawagan sa pagpapatalsik sa posisyon kay Malpass dahil paniniwala nilang hindi tama ang pamamaraan nito sa pagtugon sa climate crisis. Mas lalong lumala ang panawagang ito nang dumalo siya sa isang kumperensya na pinangunahan ng New York Times noong nakaraang Setyembre.
Nang tanungin siya ng dating US Vice President na si Al Gore, maraming beses na tumangging magbigay ng sagot si Malpass tungkol sa saloobin niya na ang mga man-made carbon emissions ay nagdaragdag sa global warming sa pamamagitan ng pagsagot na “Hindi ako scientist”, kung kaya’t sinabi sa kanya na siya ay isang climate change denier.
Sinabi rin ni Malpass na wala siyang planong magbitiw sa pwesto at nagbigay rin ng paglilinaw sa kanyang posisyon na ang climate warming emissions ay nanggagaling sa mga man-made sources, kasama na dito ang fossil fuels.
Sinisi na rin ng White House si Malpass nang sabihin ng White House press secretary na si Karine Jean-Pierre na inaasahan na ang World Bank ang magiging global leader na tutugon sa climate crisis.
Naglabas ng pahayag ang World Bank noong ika-15 na nagsasabing tumutugon ang World Bank sa mga makabagong pandaigdigang pagsubok at naglabas ng US$440 billion upang tumugon sa climate change, epidemya, at iba pang krisis.
Sinabi rin sa pahayag na sa ilalim ng pamunuan ni Malpass, ang pondo ng World Bank para sa climate finance sa mga developing countries ay higit pang dumoble sa halagang $32 billion nitong nakaraang taon.
Ang termino ni Malpass ay magtatapos pa sa 2024
Malugod na tinanggap ng mga environmental groups ang kanyang pagbibitiw. Nag-tweet ang Friends of the Earth na sa pamumuno ni Malpass, malaki ang nawalang panahon ng World Bank sa paglaban sa climate change. Hindi lamang siya pumalpak sa pagpigil sa mga pagtugon laban sa climate chaos at kawalang-hustisya kundi pati na rin sa pagsulong ng mga patakarang makikinabang ang Wall Street pero hindi ang interes ng publiko.
Para kay U.S. Treasury Secretary Janet Yellen, nakinabang ang mundo sa matatag na suportang ibinigay ni Malpass sa Ukraine, sa kanyang pagtulong sa mga tao sa Afghanistan, at sa kanyang pangakong tulong sa mga low-income countries na matamo ang debt sustainability sa pamamagitan ng debt relief.
Idinagdag pa ni Yellen na umaasa ang United States sa board of directors ng World Bank na masimulan na ang nominasyon para sa pagpili ng susunod nitong pangulo.