close
RTI to GoDownload RTI APP now
Open
:::

Mga bata ang napatay sa pag-atake sa kindergarten sa southern Brazil

  • 11 April, 2023
  • 何薇薇
Mga bata ang napatay sa pag-atake sa kindergarten sa southern Brazil
Mga bata ang napatay sa pag-atake sa kindergarten sa southern Brazil
Hindi bababa sa 4 na bata ang napatay sa pag-atake sa kindergarten sa southern Brazil
 
Hindi bababa sa apat na bata ang namatay at apat na iba pa ang nasugatan nang salakayin ng isang 25-anyos na lalaki ang isang lokal na kindergarten sa southern Brazilian state ng Santa Catarina, sinabi ng pulisya nuong ika 5 ng Abril.  Sinabi ng pulisiya na ang lalaki ay naaresto. Sinabi ng lokal na opisyal na si Marcio Alberto Filippi sa mga mamamahayag na ang lalaki ay pumasok sa pribadong kindergarten sa ibabaw ng pader.  Apat pang bata, nasa pagitan ng tatlo at limang taong gulang na inatake, ay ginagamot sa Santo Antonio Hospital sa Blumenau, sinabi ng ospital.
 
Tinawag ni Brazilian President Luiz Inacio Lula ang pag-atake na isang "kabangisan" sa isang tweet, na nagsasabing ito ay isang "absurd act of uncceptable hatred and cowardice" laban sa "innocent, defenseless children" attack.
 
Halos isang linggo na ang nakalipas, sinaksak ng isang 13-anyos na estudyante ang isang guro hanggang sa mamatay at ikinasugat ng limang iba pa sa isang paaralan sa Sao Paulo gamit ang isang matalim na kutsilyo.

Comments

Latest Newsmore