Sinabi ni US President Joe Biden noong Linggo na ipinagmamalaki niyang tanggapin ang Finland sa NATO, ang pagpapalawig ng Western military alliance at upang magamit ito bilang tuwirang sagot sa brutal na pananakop ng Russia sa kanyang pro-Western neighbor Ukraine.
Binanggit ni Biden sa isang pahayag: “ Sa suportang ibibigay ng ating bagong kakampi, ang Finland, sama-sama tayong magtatrabaho upang maipagpatuloy ang transatlantic security at maipagtanggol ang lahat ng teritoryo ng NATO.”
Habang malugod na tinanggap ang Finland bilang kasapi ng NATO, inudyukan din niya ang Turkey at Hungary na tapusin na ang ratification process “without delay” para sa pagsapi sa NATO ng bansang Sweden.
“Umaasa akong malugod ding tanggapin ang Sweden sa NATO sa lalong madaling panahon,” ani Biden sa isang pahayag.
Matapos na sakupin ng Russia ang Ukraine noong Pebrero, inabandona ng Sweden at Finland ang mahabang panahong policy of military neutrality at nag-apply sa pagsapi sa NATO, subalit ang kanilang pagsali ay kailangan munang sang-ayunan ng lahat ng 30 miyembro ng NATO.
Pagkatapos na aprubahan ng Turkey, ang huling miyembrong bansa na sumang-ayon sa pagsali ng Finland, opisyal na naging ika-31 isang miyembrong bansa ang Finland.