close
RTI to GoDownload RTI APP now
Open
:::

ADB: Muling pagbubukas ng China ng Asia’s developing economies makapagpapabilis ng pag-unlad

  • 20 April, 2023
  • 汪馬雪莉
ADB: Muling pagbubukas ng China ng Asia’s developing economies makapagpapabilis ng pag-unlad
Itinakda ng Asian Development Bank ang pagtataya ng pag-unlad ng ekonomiya sa developing Asia sa 2023. (larawan mula sa Internet)

Itinakda ng Asian Development Bank (ADB) ang pagtataya ng pag-unlad ng ekonomiya para sa developing Asia ngayong 2023. Ang pananaw na pang-ekonomiya para sa rehiyon ng Asia ay mas nabigyang-linaw matapos agarang niluwagan ng China ang COVID-19 (coronavirus disease 2019) restrictions at muling binuksan ang kanyang mga borders.

Nagbigay ng pagtataya ang The Manila, ang Philippines-based Asian Development Bank sa pag-unlad ng mga ekonomiya ng Asia ng 4.8% ngayong taon, mas mataas mula sa 4.6% noong Disyembre. Ang antas ng pag-unlad noong nakaraang taon ay nasa 4.2%.

Ang Developing Asia ay tumutukoy sa 46 na miyembrong bansa ng ADB, mula sa Kazakhstan ng Central Asia hanggang sa Cook Islands sa Pacific.

Bumubuo ang China, ang ikalawang pinakamalaking ekonomiya sa buong mundo, ng humigit-kumulang kalahati ng kabuoang paglago ng ekonomiya sa rehiyon. Nagsisimula nang umunlad ang ekonomiya matapos na luwagan ang dati’y mahigpit na COVID-19 zeroing policies na nagpalugmok sa mga gawaing pang-ekonomiya noong Disyembre.

Ayon sa outlook report ng ADB, “Ang pananaw na pang-ekonomiya para sa developing Asia ay nagsisimula nang bumuti dahil agarang nagbukas na ang China na siyang magpapalakas ng commodity export growth.”

Ayon sa ulat, “Makikinabang din ang rehiyunal na turismo, lalung-lalo na sa Cambodia, Maldives, Palau, at Thailand. Noong 2019, ang bansang China ang pangunahing pinagkukunan ng mga turista para sa mga bansang ito.”

Tinataya ng Asian Bank na ang gross domestic product (GDP) ng China ay lalaki ng 5% ngayong taon at 4.5% sa 2024. Lumaki ang ekonomiya ng China ng 3% noong nakaraang taon.

Ito ang pinakamahinang pag-unlad ng ekonomiya ng China sa loob ng 40 taon bunga ng COVID-19 at krisis sa pabahay.

Ayon sa ulat, ang headline inflation sa developing Asia, kasama ang presyo ng pagkain at enerhiya, ay inaasahang babagsak ng 4.2% ngayong taon at 3.3% sa 2024, kumpara sa 4.4% ng nakaraang taon.

Ayon sa Asian Development Bank, makararanas ang China ng “benign inflation” dahil ang paggastos ng mga mamimili ay unti-unti pa lamang nanunumbalik mula sa coronavirus lockdown at habang ang global price pressures ay unti-unting lumuluwag at ang paglaki ng ekonomiya ng mga developed economies ay bumabagal.

Hindi kasali ang China, ang implasyon sa Asya ay inaasahang nasa 6.2% ngayong taon at 4.4% sa 2024. Ang bilang na ito ay mas mataas kumpara sa mga developed economies subalit mas mababa kumpara sa mga emerging markets sa labas ng Asya.

Comments

Latest Newsmore