close
RTI to GoDownload RTI APP now
Open
:::

Mag-ambag sa kapayapaan sa Ukraine ayon sa EU Representative: May moral obligation ang China

  • 27 April, 2023
  • 汪馬雪莉
Mag-ambag sa kapayapaan sa Ukraine ayon sa EU Representative: May moral obligation ang China
EU High Representative for Foreign Affairs and Security Policy Josep Borrell. (Larawan / AFP)

Ayon kay Josep Borrell, ang EU Foreign and Security Policy High Representative, may moral obligation ang China upang makapag-ambag sa kapayapaan sa Ukraine at hindi dapat suportahan ang aggressor sa digmaang sinimulan ng Russia nang sakupin nito ang Ukraine.

“May moral obligation and China upang makapag-ambag sa makatarungang kapayapaan at hindi sila maaaring kumampi sa aggressor,” ani Porel sa news conference matapos ang pakikipagpulong nito kay U.S. Secretary of State Antony Blinken sa Brussels.

Sa bisperas ng pagbisita sa Beijing ng French President Emmanuel Macron at European Commission President Ursula von der Leyen, sinabi ni Porel na ang pagsuporta ng China sa pagsakop ng Russia sa Ukraine ang tutukoy sa kalidad ng relasyon nito sa EU.

Ayon pa kay Porel, “Nilinaw namin sa China na ang kanyang paninindigan sa mga kalupitan at war crimes ng Russia ang tutukoy sa kalidad ng ugnayan namin sa Beijing.”

Ani pa niya, “Para sa mas malinaw na ekspektasyon bilang isang permanenting miyembro ng Security Council, at sa pag-asang maninindigan ito upang depensahan ang rules-based international order, may moral obligation ang China para sa makatarungang kapayapaan, hindi sila maaaring kumampi sa aggressor, hindi nila maaaring suportahan ang aggression sa larangang militar. Ito ang mensahe namin sa China simula ngayon sa pagpupulong na ito mula sa mga EU leaders na bibisita sa Beijing.”

Comments

Latest Newsmore