close
RTI to GoDownload RTI APP now
Open
:::

Usapang Biden at Marcos Jr. nakatuon sa seguridad sa South China Sea

  • 04 May, 2023
  • 汪馬雪莉
Usapang Biden at Marcos Jr. nakatuon sa seguridad sa South China Sea
U.S. President Joe Biden at Philippine President Ferdinand Marcos Jr. nagpulong sa White House. (AFP)

Bilang tugon sa agresibong pagpapalawak ng mga rutang pangkalakalan at mga islang istratehiko ng China sa South China Sea, nag-usap sina US President Joe Biden at Philippine President Ferdinand Marcos Jr.sa White House.

Nasa 4-na araw na pagbisita sa United States ang nakababatang Marcos. Bago siya dumating sa US, nagsagawa din ng isang state visit si South Korean President Yoon Suk-yue noong nakaraang linggo at si Japanese Prime Minister Fumio Kishida nama’y nakipagpulong kay Biden sa White House noong Enero.

Malugod na tinaggap ni Biden si Marcos Jr. sa Oval Office at mariing sinabi ang matibay na pananagutan ng Amerika sa pagtatanggol sa Pilipinas.

Tinukoy ni Marcos Jr. na ang “mahirap na panahon” para sa Pilipinas ay bunga ng ang rehiyon ay “nahaharap ngayon sa isa sa pinakamasalimuot na sitwasyong geopolitical sa mundo.”

“Samakatuwid, natural lamang sa Pilipinas na bumaling sa kanyang nag-iisang treaty partner sa mundo upang mapalakas at mabago ang kanilang ugnayan at makita ang kahalagahan ng papel na ginagampanan ng bawat isa sa pagharap sa lumalalang tensyon sa South China Sea at Asia-Pacific region”, ani Marcos Jr.

Ayon sa isang senior U.S. official, ang pagtanggap kay Marcos Jr. ng United States na may military salute sa labas ng White House ang kauna-unahang pagkakataon matapos ang ilang dekada na may ganitong “antas at intensity.”

Ayon sa opisyal na hindi nais magpakilala, “Malinaw na tayo ngayo’y nasa panahon ng malalim na pagbabanggaan” sa pagitan ng Indo-Pacific engagement.

Nababagabag ang United States at ang kanyang mga kaalyadong Asyano sa tumataas na paninindigan ng kapangyarihan ng China sa halos kabuoan ng South China Sea habang binabale-wala nito ang mga pandaigdigang patakaran.

Nakadagdag din sa tensyon ang pananakot ng China sa Taiwan na nag-udyok sa administrasyon ni Biden na mabilisang palakasin ang kapasidad pangdepensa ng Taiwan.

May kaugnayan sa Pilipinas ang tensyong ito bunga na rin ng kalapitan ng mga major sea lanes at ng Taiwan.

Subalit, bago siya umalis patungong United States, sinabi ni Marcos Jr. na hindi papayagan ng kanyang administrasyon na maging “way station” ng US military operations ang Pilipinas.

Samantala, inanunsyo din naman ng Pilipinas na sa unang bahagi ng Abril, nagdagdag ito ng apat na bagong base militar na maaaring gamitin ng US military, kasama na rito ang mga base na malapit sa South China Sea at ang naval base sa Cagayan province na 400 kilometro lamang ang layo mula sa Taiwan. Pinirmahan ng United States at Pilipinas ang Enhanced Defense Cooperation Agreement (EDCA) noong 2014 kung saan pinapayagan ng Pilipinas na gamitin ng US military ang limang base nito para sa joint training, equipment storage, at konstruksyon ng mga runways, fuel depots, at US military dormitories.

Bilang karagdagan, kamakailan lamang ay isinagawa ng United States at ng Pilipinas ang pinakamalaking military exercise sa kasaysayan.

Nagdulot ito ng pagkaalarma ng China at inakusahan ang United States na gumagawa ito ng paraan upang magkasira ang relasyon sa pagitan Beijing at Manila.

Comments

Latest Newsmore