close
RTI to GoDownload RTI APP now
Open
:::

Ang pinakamalaking US-Philippine joint military exercise sa kasaysayan ng Taiwan Strait

  • 04 May, 2023
  • 汪馬雪莉
Ang pinakamalaking US-Philippine joint military exercise sa kasaysayan ng Taiwan Strait
US-Philippines joint military exercise. Dumalo sa pasinaya sina Philippine Commander Marvin Licudin (kaliwa) at US Marine Corps First Air Wing Commander Eric Austin (kanan). (AFP)

Pinasimulan ng Pilipinas at United States ang pinakamalaking joint military exercise sa kasaysayan habang ang dalawang matagal nang magkakamping bansa ay naglalayong kontrahin ang lumalakas na paninindigan ng China sa rehiyon.

Nasa tinatayang 18,000 troops ang makikibahagi sa taunang military exercise na tinatawag na “Balikatan” (Shoulder-to-Shoulder), kung saan sa kauna-unahang pagkakataon ay may kasamang mga live-fire drills sa South China Sea. Inaangkin na ng Beijing ang halos buong rehiyon ng South China Sea.

Ang nasabing exercise ay gaganapin sa loob ng tatlong araw kung saan may kunwaring pag-atake at paghaharang sa Taiwan.

Ang side-by-side exercise ay may kasamang military helicopter landing sa isang maliit na isla sa pinakahilagang bahagi ng isla ng Luzon, na tinatayang 300 kilometro ang layo sa Taiwan.

Ito ang kauna-unahang exercise sa ilalim ng administrasyon ni Philippine President Ferdinand Marcos na humihiling na mas malakas na relasyon sa United States matapos tanggalin ni dating Pangulong Rodrigo Duterte ang Philippine-U.S. alliance.

“Sa pamamagitan ng exercise na ito, mapahuhusay ng Filipino at U.S. forces ang ating kakayahan na magtulungan, mahasa ang kakayahan, at madagdagan ang kakayahan sa pamamagitan ng kolaborasyon, at masiguro na handa tayong haraping magkasama ang mga pagsubok sa mundo.”

Noong mga nakalipas na buwan, nagkasundo ang Manila at Washington sa joint maritime patrols sa South China Sea at nagpakasunduan din na palawakin ang U.S. military’s footprint sa Pilipinas, isang hakbang na ikinagalit ng China.

Sa nasabing kasunduan, pinapayagan ang U.S. military na gamitin ang apat na karagdagang Philippine bases, kasama dito ang naval base na hindi kalayuan sa Taiwan.

Ang pagkalapit ng Pilipinas sa Taiwan ay isang mahalagang bagay sa US kung sakaling sasakupin ng China ang Taiwan.

Ang balita ng pagpapalawak ng access sa mga base ay nagbunga ng pagbibintang ng China sa United States na inilalagay ng US sa “panganib ang kapayapaan at katatagan sa rehiyon.”

Sinabi ni Huang Xilian, China's ambassador to Manila noong nakaraang linggo: “Dapat ingatan ng mga bansa sa rehiyon ang strategic independence at maging determinado sa pagtanggi sa cold war mentality at kumprontasyon sa pagitan ng dalawang kampo.”

Comments

Latest Newsmore