close
RTI to GoDownload RTI APP now
Open
:::

Labanan sa Sudan tumitindi, naglikas ng mahigit 200 tao ang Russia

  • 11 May, 2023
  • 汪馬雪莉
Labanan sa Sudan tumitindi, naglikas ng mahigit 200 tao ang Russia
Labanan sa pagitan ng Sudanese government forces at ng paramilitary Rapid Support Forces (RSF) nagpapatuloy, may usok sa Sudanese capital Khartoum. (AFP)

Ayon sa Russian armed forces na gumagamit sila ng apat na military transport planes para mailikas ang mahigit na 200 tao mula sa Sudan.

Kasama sa 200 inililikas ang mga diplomat, military personnel, at iba pang mamamayang Russian, kasama na ang mga mamamayan ng mga “dating Soviet states at iba pang kaibigang bansa na humihingi ng tulong,” ayon sa isang pahayag ng Russian Ministry of Defense.

Ang labanan sa pagitan ng dalawang pangunahing military factions sa Sudan at lalong tumitindi. Sa kasalukuyan, mayroon nang mahigit 500 tao ang namamatay at libu-libo ang nawalan ng tirahan. Nagbunga rin ito ng emergency evacuation ng mga foreign nationals at international staff.

Ang paramilitary group Rapid Support Forces (RSF), sa pamumuno ni Abdel Fattah al-Burhan, commander-in-chief ng Sudanese government forces, at ang kanyang deputy, Mohamed Hamdan Daglo, ay nakikipagdigmaan simula pa noong Abril. Simula nang maglabanan noong kalagitnaan ng buwan, hindi nagpapakita ng paghinto sa pakikidigma ang dalawang panig.

Ang ugnayan sa pagitan ng Russia at Sudan ay nananatiling maganda.

Nagsusuplay ng mga armas ang Russia sa Sudan simula pa noong 30-taong authoritarian rule ng dating strongman Omar al-Bashir at matapos magpataw ng parusa ang United Nations sa Sudan noong 2005 dahil sa sigalot sa Darfur. Patuloy na binibigyan ng tulong-armas ng Moscow ang Sudan.

Subalit, pagkatapos ng pagbagsak ng Bashir noong 2019, ang relasyon sa pagitan ng Sudan at Russia ay unti-unting lumalayo, hanggang sa maganap ang military coup sa Sudan noong 2021 at muling naging malapit sa isa’t isa ang dalawang bansa.

Ang Wagner Group paramilitary group ng Russia ay patuloy na gumagana sa Sudan ng maraming taon, kung saan binabantayan nito ang mga gold mines ng bansa.

Comments

Latest Newsmore