close
RTI to GoDownload RTI APP now
Open
:::

WEF: 14 na milyong trabaho mawawala na sa susunod na 5 taon

  • 18 May, 2023
  • 汪馬雪莉
WEF: 14 na milyong trabaho mawawala na sa susunod na 5 taon
Inilunsad ng OpenAI ng United States and chat robot ChatGPT. (pixabay gallery)

Naglabas ng isang ulat ang World Economic Forum (WEF) kung saan naglunsad sila ng survey ng mahigit 800 kumpanya na nagbibigay-diin na sa pagkakaroon ng economic recession at ang mga kumpanya ay gumagamit na ng mga teknolohiyang gaya ng artificial intelligence (AI) upang palitan ang human labor, ang pandaigdigang job market ay lubos na maaapektuhan sa susunod na limang taon.

Ayon sa ulat ng CNN, napag-alaman ng World Economic Forum na sa 2027, ang pandaigdigang job market ay inaasahang magkakaroon ng 69 milyong bagong trabaho, subalit matatanggal naman ang 83 milyong posisyon na magreresulta ng pagkatalo o net loss ng 14 milyong trabaho, tinatayang 2% ng kasalukuyang pangkalahatang job load.

May ilang mga salik ang makakaapekto sa job market sa panahong ito, sa paglikha ng mga trabaho sa sektor ng renewable energy systems samantalang babagal naman ang paglago ng ekonomiya at tataas ang implasyon na magbubunga ng kawalan ng trabaho. Ang pagdami ng paggamit ng artificial intelligence ay magdadala ng parehong positibo at negatibong epekto.

Ayon sa pagtantiya ng World Economic Forum, mangangailangan ang mga kumpanya ng maraming empleyado na tutulong sa paggamit at pangangasiwa ng mga AI tools. Sa 2027, ang mga trabaho para sa mga information analysts, scientists, machine learning specialists, at cybersecurity specialists ay inaasahang tataas ng average na 30%.

Kasabay nito, ang paglawak ng paggamit ng AI ay lilikha ng eksistensyal na krisis sa maraming trabaho kung saan mapapalitan ng mekanisasyon ang human labor.

Tinatantiya ng World Economic Forum na sa 2027, may 26 na milyong record-keeping at administratibong trabaho ang mawawala. Ang mga clerks na may responsibilidad sa data entry at mga executive secretaries ang sektor na makakaranas ng malaking pagbabawas.

Sa kabila ng pag-ugong ng balita hinggil sa ChatGPT chatbots, mabagal ang pagsulong nito sa unang kalahating bahagi ng 2020s. Ilan sa mga organisasyong na-survey ng World Economic Forum ang nagtaya na 34% lamang ng mga trabahong business-related ang kasalukuyang ginagamitan ng mga makina, isang makatuwirang pagtaas simula noong 2020.

Ang pagsulong ng automation sa hinaharap ay mabagal din. Tinatantiya ng mga employers na sa 2020, 47% ng mga trabaho ay gagampanan na ng mga makina sa 2025, subalit sa kasalukuyan, nakikita na lamang nila na ito’y nasa 42% sa 2027.

Pinag-iisipan din ng mga organisasyon kung anu-anong mga tungkulin ang kakailanganin ng mga empleyado. Ayon sa World Economic Forum, pinahahalagahan na ng mga employers ang kakayahang magamit ng mas epektibo ang mga AI tools higit pa sa mga kasanayan sa computer programming noong mga nakaraang panahon.

Comments

Latest Newsmore