close
RTI to GoDownload RTI APP now
Open
:::

Lai Qingde: Walang partido pulitikal ang “naghahangad ng digmaan”

  • 01 June, 2023
  • 汪馬雪莉
Lai Qingde: Walang partido pulitikal ang “naghahangad ng digmaan”
Nagdaos ng "2024 Campus Presidential Marathon" ang National Taiwan University Political Science Association at Asia Pacific Youth Association. Naimbitahan si Democratic Progressive Party presidential candidate Lai Ching-the (gitnang harapan) at nagbigay ng opening lecture, nagpakuha ng mga litratro sa mga panauhin at kabataang mag-aaral na dumalo sa pulong. (Larawan: Central News Agency)

Nakilahok si Democratic Progressive Party presidential candidate Lai Qingde sa "2024 Campus Presidential Marathon Forum". Bingiyang-diin niya na walang katumbas na anumang halaga ang kapayapaan, at walang nananalo sa anumang digmaan, at walang partido pulitikal ang “naghahangad ng digmaan”, bagkus ay kailangang kumalas sa lumang balangkas at pamamaraan ng nakaraan sa pagtugon sa mga isyu ng cross-strait.

Pinasinayaan ang "2024 Campus Presidential Marathon Forum" na magkasamang inorganisa ng Department of Political Science of National Taiwan University at Asia Pacific Youth Association. Dumalo rin sa pasinaya sina People's Party presidential candidate Ke Wenzhe at Democratic Progressive Party presidential candidate Lai Ching-te upang makakuha ng suporta mula sa mga kabataan, samantala wala sa pagpupulong si Kuomintang presidential candidate Hou Youyi dahil sa biyahe nito sa timog upang manghingi doon ng suporta.

Sinabi ni Lai Qingde sa kanyang talumpati na may pangkat ng mga kabataan sa DPP na sumasali anumang oras. Bunga nito, ang mga mithiin ng DPP ay mula sa mga mithiin ng mga kabataan, at ang halaga ng mga kabataan ay ang halaga ng DPP. Ang mga puna rin ng mga kabataan sa DPP ang isa sa mga naging driving force ng DPP upang magrepaso at magpabuti.

Binanggit ni Lai Qingde na ang sitwasyon sa magkabilang panig ng strait ay naging mas tensyunado nitong mga nakaraang taon. Pinaigting ng China ang kanyang “verbal attack” sa 1992 Consensus at one-China principle, pati na rin ang “military intimidation” na hindi susuko ang pwersa sa pag-angkin sa Taiwan. Bilang karagdagan, nilikha ang "2024 President The general election is a choice between war and peace.” Sa public opinion atmosphere na ito, pauli-ulit na binabanggit ng mga opposition parties ng Taiwan ang mensaheng ito, at isinisigaw ang “Vote for the DPP, young people go to the battlefield.”

Dinetalye ni Lai Qingde ang pandaigdigang tugon sa banta ng China. Naniniwala siyang kung kayang matamo ang kapayapaan sa isang kasunduang pangkapayapaan, wala sana sa isang miserableng kalagayan ang Tibet sa kasalukuyan. Sinabi niya na ang pandaigdigang gawi ay ang pag-asa sa kapangyarihan upang matamo ang kapayapaan. Samakatuwid, sa ilalim ng administrasyong DPP, patuloy nitong pinalalakas ang national defense forces at nakikiisa sa democratic camp, sa pag-asang gamitin ito bilang hadlang. Upang matamo ang kapayapaan, hindi dapat isusuko ang soberanya upang matamo ang maling uri ng kapayapaan.”

Binigyang-diin ni Lai Qingde na walang katumbas na halaga ang kapayapaan at walang nananalo sa digmaan. Walang sinuman sa Taiwan ang may gusto ng digmaan, ang walang anumang partidong pulitikal ang nananawagan ng digmaan. Subalit, ang mga isyu ng cross-strait ay dapat tugunan sa labas ng lumang balangkas. Ayon kay Lai Qingde “Hangad ng buong mundo ang kapayapaan, hindi lamang ng magkabilang panig ng strait, ang kapayapaan ay responsibilidad ng magkabilang panig, kailangan din itong matukoy, kung kaya’t dapat tayong umalis sa lumang balangkas at lumang pamamaraan ng pagtugon sa mga isyu ng cross-strat, dahil kung hindi, kapag tayo’y tumugon, magkamali ng pagtugon, mahihirapan na tayong makabawi.”

Nagtanong ang ilang mag-aaral kung may utang na loob ang Democratic Progressive Party sa National Taiwan University tungkol sa kasong plagiarism ni Lin Zhijian, ang dating mayor ng Hsinchu City. Sinabi ni Lai Qingde na ang pagsulong ng DPP ng university autonomy ay hindi magbabago kahit na ito ay nasa oposisyon man o nasa kapangyarihan. Kahit pa ito ay tungkol sa Guan Zhongmin incident o Lin Zhijian incident, sa debate ng iba’t ibang opinion ng lipunan, kailangang matutong umiwas sa mga ganitong uri ng sitwasyong upang hindi na ito mangyari ulit. Ayon kay Lai Qingde “Hangarin ng buong mundo ang kapayapaan. Hindi lamang ito patungkol sa dalawang panig ng strait. Parehong responsibilidad ito ng magkabilang panig. Kailangang matukoy ito. Kung kaya’t kailangan tayong lumabas sa lumang balangkas at lumang pamamaraan sa pagtugon ng isyu ng cross-strait. Dahil kung hindi, kung magkakamali tayo, mahihirapan na tayong makabawi, at ang pamumuhay sa demokrasya, kalayaan, at karapatang pantao na atin nang napangalagaan ng mahabang panahon ay maaaring mawala.”

Tungkol sa kung paano titingnan ang insidenteng may kinalaman si Li Zhenghao, isang non-party legislator candidate na nakikiisa sa DPP, hindi positibo ang naging tugon dito ni Lai Qingde.

Comments

Latest Newsmore