Nagdulot ng maraming sakuna ang outer circulation ng Bagyong Kanu sa Nantou mountainous area nitong Agosto. Nagpahayag si Pangulong Tsai Ing-wen, sa ngalan ng mga mamamayan, ng kanyang pasasalamat sa central combat readiness troops na nakibahagi sa disaster relief at upang magpaabot ng pagbati sa Autumn Festival. Pinasalamatan ng Pangulo ang National Army sa palagiang pagresponde nito sa front line tuwing kinakailangan sila ng mga mamamayan at ng bansa at ang pagtatamo ng tiwala at peace of mind ng mga tao dahil na rin sa kanilang propesyunalismo at pagiging episyente.
#mortarshooting# (Original sound) Get ready! shoot! Hit the target! Natungo si Pangulong Tsai Ing-wen sa Chukeng Camp at Zhongxingling Camp sa Taichung upang mag-inspeksyon at hikayatin ang 234th Brigade at 4th Special Battalion of the Special Forces ng Army. Nagpakita ang 234th Brigade ng mga tactical drones sa lugar upang ma-detect ang mga target at nagsagawa ng mortar fire. Ang combat readiness results ng Cobra helicopter fire suppression. Ipinakilala rin ng 4th Special Battalion ang paggamit ng mga tactical ropes at iba’t ibang physical strengthening training sa pangulo kung saan detalyado ang mga nilalaman nito.
Sa kanyang talumpati, sinabi ng pangulo na ang outer circulaton ng Bagyong Kanu nitong unang bahagi ng Agosto ay nagdulot na malaking pinsala sa Lushan Tribe. Nagpadala ang 234th Infantry Brigade ng Fifth Army ng libu-libong sundalo upang tumulong sa earth and rock dredging at material transportation; nagpadala din ang 52nd Engineer Group ng mga excavators, water purification equipment, at iba pa. Nakatulong ang mga malalaking makinarya at equipment para sa post-disaster recovery. Sa ngalan ng mga mamamayan, nais niyang pasalamatan ang national army sa dagliang pagpunta sa front line upang tulungan ang mga mamamayan at mabawasan ang mga casualties. Ayon sa pangulo: “Nagtrabaho ng mabuti ang lahat sa panahong ito. Agad na nag-organisa ang ating fifth combat zone at agad na ipinadala ang disaster relief mission upang mabawasan ang mga casualties at mabigyan ng pagkakataon ang mga tao sa lugar ng sakuna na mapanumbalik ang normal na pamumuhay sa lalong madaling panahon.” Ang ating mga kapatid sa National Army ay laging agarang pumupunta sa front line kapag kailangan ng mga tao ang tulong nila at tuwing kailangan ng bansa ang serbisyo nila, nakuha nila ang tiwala at peace of mind ng mga mamamayan dahil sa kanilang propesyunalismo at pagiging episyente.
Binanggit din ng pangulo na ang mga pamilya ng mga kapatid sa National Army ng Special Battalion ay na-stranded sa mountainous area noong bagyo. Pinasalamatan niya ang Special Batallion sa pagpapadala ng special operations troops sa mga mountainous tribes taglay ang kanilang propesyunalismo at pagiging episyente sa pagtulong sa paghahanap ng mga nawawalang tao. Sa nalalapit na Mid-Autumn Festival, nag-isyu din si Pangulong Tsai ng special food allowance upang mahikayat ang national troop na magpatuloy sa kanilang mga trabaho upang maprotektahan ang mga tao, habang nagbigay din siya ng lubos na pasasalamat sa mga ito.