close
RTI to GoDownload RTI APP now
Open
:::

Aprubado ng World Bank si Ajay Banga bilang Pangulo

  • 08 June, 2023
  • 汪馬雪莉
Aprubado ng World Bank si Ajay Banga bilang Pangulo
Dating MasterCard CEO Ajay Banga. (Larawan/Reuters/Dazhi Image)

Inaprubahan noong ikatlo ng World Bank (World Bank. WB) si Ajay Banga, na nominado ng United States, bilang susunod na pangulo ng World Bank. Si Ajay Banga, na mula sa angkan ng mga Indian ay may tungkuling palawigin ang kakayahang manghiram o lending capacity at pagtugon sa isyu ng climate change.

Matapos pagbotohan ng executive board na iluklok ang dating Mastercard CEO Ajay Banga bilang bagong pangulo, naglabas ng pahayag ang World Bank na, “Umaasa ang board na makipagtrabaho kay Mr. Ajay Banga upang maisulong ang evolution ng bangko.”

Sinabi rin ng World Bank na umaasa silang makatrabaho si Ajay Banga upang maisakatuparan “ang mga adhikain at pagsisikap ng bangko upang makatugon sa mga pinakamatitinding pagsubok na kinakaharap ng mga developing countries.”

Pinalitan ni Ajay Banga si David Malpass na bababa na sa posisyon nito. Si Malpass ay nominado ni dating U.S. President Donald Trump upang pamunuan ang World Bank subalit nagdesisyong bumaba sa pwesto ng mas maaga sa kabila ng kontrobersiya tungkol sa kanyang posisyon sa climate change.

Naglabas ng pahayag si U.S. President Joe Biden na nagsasaad na si Ajay Banga “ay tutulong upang magabayan ang pagsulong ng World Bank at pangunahan ang mga pagsisikap nito na tugunan ang mga pandaigdigang pagsubok na tuwirang nakakaapekto sa misyon nitong mabawasan ang kahirapan, kasama na ang climate change.”

Sa ilalim ng hindi nasusulat na kasunduan, ang pinuno ng World Bank ay palaging isang US citizen at ang International Monetary Fund (IMF) naman ay pinamumunuan ng isang European.

Sa kabila ng lumalalang pagkayamot ng mga developing at emerging economies dahil sa patuloy na pagkontrol ng U.S. sa pinuno ng World Bank, si Ajay Banga ay naaprubahanang manungkulan sa loob ng limang taon.

Si Ajay Banga ay 63 taong gulang, ipinanganak at lumaki sa India at isang naturalized U.S. citizen. Bunga ng military status ng kanyang ama, madalas siyang maglakbay sa iba’t ibang bansa noong bata pa siya. Nagsilbi si Ajay Banga bilang CEO ng MasterCard at nagsilbi rin sa mga board ng American Red Cross, Kraft Foods at Dow Inc. Sa kasalukuyan, siya ang Vice Chairman ng General Atlantic Investment Group.

Matapos ang kanyang nominasyon, sinabi ni Ajay Banga sa mga reporters na nais niyang makita ang mas maraming salapi mula sa pribadong sektor na tutulong upang mapondohan ang mga solusyon sa mga pandaigdigang suliranin.

“Kung walang pribadong sektor, hindi sapat ang salapi…Ang isang organisasyong gaya ng World Bank ay kailangang magkaroon ng sistema na maaaaring maibahagi ang mga risks o magamit ang pribadong salapi upang matamo nito ang mga layunin,” aniya.

Comments

Latest Newsmore