Tatlong tren ang nagsalpukan sa isang malaking traffic accident sa Eastern Indian province ng Odisha noong ikalawa. Ayon sa mga opisyal, tinatayang 288 katao ang namatay at mahigit 850 ang sugatan sa malalang aksidenteng ito. Ito ang itinuturing na deadliest rail accident sa India sa loob ng mahigit 20 taon.
Ilang kuha mula sa lugar ng aksidente ang nagpapakita ng mga train carriages na puno ng dugo malapit sa Balasore sa Orissa province. Patuloy ang paghahanap ng mga survivors na hinihinalang na-trap pa sa wreckage.
Ayon sa mga railway officials, ang nasabing aksidente ay naganap ng 7:00 PM local time noong ika-2 nang ang "Howrah Superfast Express" mula Bangalore papunta ng Howrah (Howrah, West Bengal) ay nadiskaril at tumaob. Ang Coromandel Express mula Kolkata papuntang Chennai, isang freight train na naka-park sa lugar ng aksidente ay naapektuhan din.
Ayon kay Sudhanshu Sarangi, isang opisyal ng fire department sa Odisha province, ang bilang ng mga namatay ay nasa 288 na at patuloy ang mga rescue efforts…maaaring marami pa ring tao ang seryosong nasaktan.”
Hindi na bago sa India ang mga railway accidents. Ang isa sa pinakamalalang aksidente ay naganap noong 1981 nang madiskaril ang isang tren habang dumadaan ito sa isang tuloy sa Bihar province at nalaglag sa ilog, kung saan tinatayang 800 – 1,000 katao ang namatay.
Ang aksidente noong ika-2 ang itinuturing na pinakamalalang railway disaster simula noong 1990s.
Kinumpirma ni Pradeep Jena, ang chief secretary ng Odisha provincial government na 850 kataong sugatan ang dinala sa ospital. “Ang prayoridad ngayon ay ang ma-rescue ang mga pasahero at makapabigay ng tulong medikal sa mga sugatan,” aniya.
Sinabi ng isang survivor sa isang lokal television na natutulog siya nang mangyari ang aksidente, nagising na lamang siyang na-trap sa ilalim ng dose-dosenang pasahero at nakalabas sa tren na sugatan.
Dahil madami ang bilang ng mga sugatan, sila ay dinala sa anlinmang ospital na pwede pang puntahan.