close
RTI to GoDownload RTI APP now
Open
:::

Humaharap ang mga Mahihirap sa Compound Crisis, Mabilisang Hiling para sa Reform Aid Approach

  • 15 June, 2023
  • 汪馬雪莉
Humaharap ang mga Mahihirap sa Compound Crisis, Mabilisang Hiling para sa Reform Aid Approach
Ayon sa United Nations, nasa bingit na ng hindi mapipigilang sitwasyon ang global warming. (Schematic/Unsplash)

Mula sa Somalia hanggang Pakistan, ang mga pinakamahihirap at pinakamahihinang komunindad sa mundo ay humaharap sa pinakamalalang epekto ng climate change. Ang katotohanang ito ay nagdudulot ng kahirapan, nagbabantang kaguluhan, at galit laban sa mga major polluters. Nangangailangan ng pagkakaisa ng lahat ng bansa upang malutas ang nagpapatong-patong na krisis na ito.

Napipintong dumaraming krisis tatama sa mahihirap na bansa

Patung-patong na krisis na pangdaigdigan ang napipintong nagbabanta sa pag-unlad ng ekonomiya na magdadala sa milyun-milyong tao sa labis na kahirapan. Ang epekto sa ekonomiya ng COVID-19 (coronavirus disease 2019) ay nagpapatuloy at ang spillover effect ng digmaang Ukrainian-Russian ay nag-iwan sa mga tao mula sa mahihirap na bansa na hindi na halos makabili ng mas mataas na presyo ng pagkain at langis, kasama na ang pagbabayad ng utang.

Dagdag pa rito ang pagbabaha, tag-tuyot, pagkasira ng mga pananim na nagbabanta sa buhay at kabuhayan ng mga tao, at ang dagok ng climate change ay nakikita na.

Ayon kay David Miliband, presidente ng International Rescue Committee, isang global humanitarian aid and development organization, sa kasalukuyan, ramdam na ang “totoong compound crisis” habang ang mga mahihirap na bansa ay nakikibaka sa mga climate shocks, lumalaking pagkakautang, and economic dilemma wrestling.

“Ramdam na talaga ng mga bansang ito na sila’y nasa bingit na ng pagbagsak,” ayon kay Miller Bain, dating British foreign secretary.

Ayon sa mga eksperto, malaking tulong kung magkakaroon ng pagbabagong-tingin sa mga misyon ng global development bank, pagsisiguro ng kaunlaran, climate resilience, pag-isahin ang mga humanitarian efforts, bigyang-pagkakataon ang mga lokal na indibidwal ng boses kung ano ang dapat baguhin, at access sa pananalapi na kailangan upang maisakatuparan ang mga ito.

Ang lumalaking pangangailangan ng tulong

Ayon kay Miller Bain, nitong nakaraang limang taon, dumami ng tatlong beses ang bilang ng mga nangangailangan ng humanitarian aid sa buong mundo na umabot na sa 340 milyon.

Dagdag pa niya, nasa 90% sa kanila ay naninirahan sa 20 bansa, kadalasang humaharap sa mga malawakang climate shocks o kaya’y nasa gitna ng 54 civil conflicts sa buong mundo.

Subalit, ang lumalaking demand sa tulong ay nakalilipos sa humanitarian aid system at ang mga organisasyong gaya ng United Nations World Food Program (WFP) ay nahihirapan na ring makalikom ng tumataas na halaga ng pondong kakailanganin na siya namang nagdudulot ng pagtaas ng bilang ng mga nagugutom.

Ayon sa mga eksperto, ang mga pinagsama-samang epekto ng climate shocks, mabibigat na pagkakautang, tumataas na antas ng kahirapan at kagutuman, at iba pang pressures gaya ng pananakop ng Russia sa Ukraine at economic shock ng COVID-10 ay nangangahulugang ang mga dating short-term humanitarian needs ay magiging long-term needs.

Ayon kay Melissa Leach ng Institute of Development Studies sa University of Sussex sa UK, “Ito ay nagbabanta ng malaking pagsubok para sa global humanitarian system na nakadisenyo lamang sa pagbibigay ng mga short-term aid.”

Comments

Latest Newsmore