close
RTI to GoDownload RTI APP now
Open
:::

Ang Pag-ban ng China sa Micron naglimita sa pagiging epektibo ng mga realidad ng ekonomiya

  • 15 June, 2023
  • 汪馬雪莉
Ang Pag-ban ng China sa Micron naglimita sa pagiging epektibo ng mga realidad ng ekonomiya
American semiconductor giant Micron Technology (Micron). (AFP)

Nagtalaga ang mga Chinese authorities ng ban sa US memory chip maker na Micron Technology bilang ganti sa pagkontrol ng US sa mga semiconductor, subalit ayon sa mga eksperto, ang mga realidad sa ekonomiya ay maglilimita sa pagiging epektibo ng counterattack ng Chinese President Xi Jinping.

Dahil sa national security risks, nagtalaga ang mga Chinese officials ng ban sa US memory chipmaker Micron nitong katapusan ng Mayo, na nagbabawal sa mga pangunahing industriya na bumili ng mga produkto ng Micron. Subalit, binigyang-diin ng mga analysts na ang pagiging epektibo ng countermeasure nito ay sadyang limitado bunga na rin ng pagsisikap ng mga Chinese authorities na mapanumbalik ang matamlay nitong ekonomiya.

Pag-ban sa mga Micron products bilang ganti sa mga regulasyon sa US semiconductor

Ipinahayag ng China noong Mayo 21 na ang mga produkto ng Micron ay may mga mapanganib na cyber security risks sa critical information infrastructure supply chain ng China at makaapekto sa pambansang seguridad ng China. Samakatuwid, ipinagbabawal ang paggamit ng mga chips ng Micron sa mga critical infrastructure.

Ang pag-ban ng China sa pinakamalaking pagawaan ng US memory chips ay nakikitang isang paghihiganti para malimita ang access ng China sa advanced semiconductor technology.

Isang araw bago ihayag ng China ang Micron ban, ipinahayag ng Group of Seven (7) sa pamumuno ng United States na magkakaisa sila bilang tugon sa “economic coercion” mula sa China subalit binigyang-diin na wala silang intensyon na humiwalay sa China kundi sa kanilang pakikitungo sa China lamang. Mahalagang mag-“de-risk”

Nagpairal ang United States ng sunud-sunod na export control measures nitong nakaraang taon upang mapigilan ang paggamit ng ilang chips at chip manufacturing technology na magamit ng China para sa militar; isinama rin ng United States ang kakumpetensya ng Micron, ang memory chip maker ng China na Yangtze River Storage sa trade blacklist. Bilang karagdagan, nagbunga rin ito ng paghihigpit ng pagluluwas ng mga key semiconductor equipment ang Japan at Netherlands sa China.

Sa kauna-unahang pagkakataon, muling nerepaso ang cybersecurity law ng mga dayuhang kumpanya bilang sandata para sa paghihiganti.

Ang Micron ban ay kumakatawan sa malawakang policy shift sa pagtugon ng China sa US technology controls.

Ayon kay Gary Ng, senior economist sa Natixis, ito ang kauna-unahang pagkakataon na naglunsad ang China ng pagsusuri ng mga dayuhang kumpanya simula nang maisabatas ang mas mahigpit na mga cybersecurity regulations noong 2021, at ang nasabing pagsusuri na lumawig hanggang sa pambansang seguridad ay hindi rin pangkaraniwan.

Naisabatas ng China ang "Cyber Security Law" noong 2021 na nagpapahintulot sa mga awtoridad na parusahan ang mga tao o mga organisasyong magbibigay-pinsala sa "critical information infrastructure" ng China na malawak ang pagpapakahulugan.

Habang naglunsad ang mga Chinese authorities ng mga cybersecurity reviews ng ilang lokal na kumpanya noong nakaraan, karamihan sa mga ito ay nakatuon sa mga data issues kaysa sa pambansang seguridad.

Naniniwala si Wu Zhuoyin na hindi na siya magugulat kung gagamitin ng mga Chinese regulators ang mga reviews na ito bilang sandata upang makapaghiganti kung sakaling may kakaharapin ulit silang mga geopolitical issues sa hinaharap.

Comments

Latest Newsmore