Ang 2 bagong storm-tracking satellites na nailunsad sa orbit mula sa isang rocket na gawa ng Space Launch Corporation Rocket Lab, ay lumilipad bawat oras sa ibabaw ng mga bagyo, kung ikukumpara sa kasalukuyang mga satellite na lumilipad sa ibabaw nito tuwing maka-anim na oras.
Maaari nang masubaybayan ng mga mananaliksik ang pagkilos ng mga bagyo bawat oras, ayon kay NASA scientist Will McCarty sa isang news conference sa kauna-unahang paglulunsad ng misyong tinawag na TROPICS.
“Kailangan pa rin natin ng mga malalaking satellites,” dagdag niya. “Ang nais nating makuha mula sa programang ito ay ang kakayahanang makapagbigay ng karagdagang impormasyon sa mga existing flagship satellites.”
Ang ikalawang spacecraft na gawa ng Rocket Lab ay inaasahang ilulunsad sa susunod na dalawang linggo, taglay ang dalawa pang satellites, na kapag nakumpleto, ay bubuo sa isang storm-tracking constellation.
Ang data sa dami ng ulan, temperatura at humidity na makokolekta ng mga satellites ay makatutulong sa mga scientists na matukoy ang lokasyon at lakas ng bagyo pag ito’y nag-landfall, na makatutulong sa mga naninirahan sa baybay-dagat na makapaghanda sa paglikas kung kinakailangan.