close
RTI to GoDownload RTI APP now
Open
:::

NASA nagpaplanong magtayo ng isang lunar base

  • 22 June, 2023
  • 汪馬雪莉
NASA nagpaplanong magtayo ng isang lunar base
Sa kauna-unahang pagkakataon, nagpaplano ang NASA na makapag-iwan ng mga tauhan nito sa mga celestial bodies maliban sa ating mundo. Ipinakikita ng larawan ang schematic diagram ng mga astronauts na naggagalugad sa south pole ng buwan. (Larawan: NASA)

Sa susunod na pagtapak ng NASA sa buwan, plano nitong manatili doon ng mas mahabang panahon. Sa ilalim ng Artemis mission, plano ng NASA na mag-iwan ng mga tauhan nito sa isang celestial body maliban sa mundo sa kauna-unahang pagkakataon.

Subalit, ang paggawa ng isang base sa buwan ay hindi ganoon kadali, mangangailangan ito ng mga power generators, lunar rovers at habitats, at nagmamadali ang space industry upang malagpasan ang mga technical challenges na ito.

Sinabi ni Neal Davis, lead systems engineer for space company Dynetics' Lunar Terrain Vehicle, sa AFP. “Ito ang Super Bowl ng engineering.”

Nagpakita ang Dynetics ng prototype design para sa lunar terrain vehicle sa Space Symposium sa Colorado Springs noong nakaraang buwan.

Subalit sinabi ng NASA deputy administrator Jim Free na kailangan pa itong maghintay pagkatapos ng mga Artemis missions bago “tayo magsimulang mag-isip ng pagdadagdag ng mga permanenteng tirahan sa buwan.” Mayroon pang pitong Artemis missions ang NASA.

Ang Artemis 3, na inaasahang magbabalik ng mga tao sa buwan ay hindi pa mailulunsad hanggang sa huling bahagi ng 2020, bunga nito, ang pagtatayo ng tirahan ay hindi magsisimula hanggang sa 2030s.

Idinagdag ni Foley na ang lunar base ay maaaring magtayo ng ilang sites upang mapalawak ang mga layunin ng scientific exploration at makapagbigay ng mas madaling lunar landings.

Magbigay ng network market value ng 100 billion US dollars para sa moon base

Kahit na malayo pa ang takdang iskedyul, naghahanda na ang ilang major aerospace companies sa nasabing proyekto. Ayon kay Joe Landon, chief executive ng Crescent Space, isang Lockheed Martin ( Lockheed Martin, isang startup subsidiary specializing in lunar services), “Nagtatayo na ng communication pipeline ang Step 0”.

Sa pagsisimula ng paglulunsad ng 2 satellites, inaasahan ng Crescent Space na maging Internet at global satellite positioning system (GPS) provider para sa buwan.

Magpapagaan ito ng pressure sa Deep Space Network (Deep Space Network) ng NASA, para hindi mag-overheat ang Deep Space Network sa mga susunod na misyon, kasama ang mga civilian missions. Tinataya ni Landon na ang market value sa buwan ay aabot ng US$100 billion (NT$3 trillion) sa susunod na sampung taon.

Ang susunod na hakbang ay ang lighting. Ang Astrobotic na may 220 manggagawa, ay isa sa tatlong kumpanyang napili ng NASA na magdevelp ng mga solar panels.

May tubig sa anyo ng yelo sa south pole ng buwan na inaasahang maging landing site ng Artemis 3. Kung kaya’t, plano ng mga scientists na magtayo ng mga solar panels doon, pero hindi halos sumisikat doon ang araw. Kailangan itong magawa ng patayo.

Ayon kay Mike Provenzano, Astrobotic's director of lunar surface systems, ang mga solar panels ng Astrobotic ay may taas na 18 metro at habang ilang kilometro na konektado ng mga kable. Ang solar array ay ilalagay sa sasakyan para pwede itong malipat-lipat ng lugar kasama ng sasakyan.

Comments

Latest Newsmore