Isa nang global cultural trend ang pag-inom ng kape, subalit ang hindi nakikitang pagtaas ng greenhouse gas emissions ay nagbunga ng climate change. Subalit, bunga naman ng climate change ang pagbabawas ng pandaigdigang produksyon ng coffee bean.
Makikita sa Brazil, ang pinakamalaking coffee exporter, ang mabilis na pagbaba ng produksyon ng Arabica coffee nitong 2021 bunga na rin ng frost at tagtuyot, ayon sa ulat ng Bloomberg.
Ayon sa pag-aaral na inilathala sa journal na PLOS ONE, na nagpasigla ng mga kundisyon sa pagpapalaki ng kape, kasoy at avocado na sa susunod na 30 taon, napatunayan na ang kape ang “pinakamahina sa lahat ng pangunahing production areas na negatively impacted ng klima.”
Ayon sa pag-aaral, sa 2050, ang bilang ng mga lugar na pinaka-angkop sa pagtatanim ng kape ay bababa ng 50% ang ang bilang ng mga lugar na angkop pa rin sa pagtatanim ng kape ay bababa ng 31 hanggang 41%
Angkop magtanim ng kape sa mga lugar kung saan ang mga temperatura tuwing araw at gabi sa buong taon ay hindi nagbabago, nangangahulugang ang pagbabago ng kundisyon ng klima ay hindi lamang magpapababa ng produkyong ng kape kundi banta rin sa kikitain ng milyong mga tao, karaniwang mula sa mga developing countries.
Nakadepende sa mga bansang gagawa ng agarang solusyon sa pagpapababa ng epekto ng climate change ang pagkakaroon ng sustainable coffee planting, produksyon, at pagkonsumo nito. Kailangan din tingnan ng lahat ang kani-kanilang consumption habits at magtulong-tulong upang matamo ang sustainable goal na maproteksyunan ang ating mundo.