Kasalukuyang isa sa pinakamaraming pagsonsumo ang kape sa buong mundo. Makikita ang mga coffee shops kahit saan sa Taiwan maging sa buong mundo, at karaniwang makikita ang mga taong naglalakad na may hawak na isang baso ng kape. Subalit, ayon sa mga pagsusuri, may malaking carbon footprint ang kape simula sa pagtatanim nito hanggang sa produksyon at paghahain nito sa mga mamimili na nakakaapekto sa climate change.
Nakakabigla ang global carbon footprint ng 2 bilyong tasa ng kape bawat araw
Sa nakaraang 30 taon, ang pagkonsumo ng kape sa buong mundo ay patuloy na tumataas na may average na pagkonsumong 2.7 tasa ng kape bawat tao kada araw. Itinuturing ang kape na isa sa pinakapopular na inumin sa Taiwan at sa buong mundo at maraming coffee shops na may iba’t ibang brand ang kinokonsumo sa buong mundo araw-araw.
Ayon sa CO2 everything, isang website na sumusubaybay sa mga carbon footprints, ang isang tasa ng kape na may 15g na coffee beans ay nagpoprodyus ng 0.4kg ng carbon dioxide equivalent (CO2 equivalent), na katumbas ng pagmamaneho ng kotse ng 2 kilometrong layo. Samakatuwid, lubhang nakakabigla ang carbon footprint ng kinokonsumong kape sa buong mundo.
Subalit, ang greenhouse gases na napoprodyus sa pagtitimpla ng isang tasa ng kape sa bahay o pagbili nito sa tindahan ay itinuturing na tip of the iceberg lamang. Sa kabuoang industriya ng kape, mahigit sa kalahati ng carbon footprint ng kape ay mula sa mga coffee producers at suppliers. Ang coffee bean ang stage kung saan naglalabas ito ng pinakamaraming greenhouse gases na bumubuo sa 40% hanggang 80% ng kabuoang carbon dioxide equivalent ng kape.
Sa proseso ng pagprodyus ng coffee beans, ang paggamit ng mga sophisticated agricultural methods ay nangangailangan ng intensive irrigation, fertilization systems at pesticides na nagbubunga ng malaking carbon footprint sa proseso ng produksyon ng kape. Samakatuwid, kailangang gumawa ng mga hakbangin ang industriya upang mabawasan ang epekto ng produksyon ng kape sa climate environment at social impact.
Pagkukumpara ng carbon emissions sa 4 na paraan ng pagtitimpla ng kape
Sa consumer level, kahit na ang isang tasa ng kape bawat tao ay nagpoprodyus lamang ng pinakamaliit na greenhouse gas (GHG), ang bilang ng pagkonsumo sa buong mundo araw-araw ay napakalaki.
Para naman sa kape na iniinom natin bawat araw, ang paraan ng pagtitimpla nito ay magkaiba, at ang dami ng greenhouse gas emissions ay magkakaiba rin.
Ayon sa pananaliksik at pagsusuri ng Australian non-profit media "Dialogue" (The Conversation), ikinumpara ang 4 na paraan ng pagtitimpla ng 280ml ng kape upang sukatin ang carbon footprint, ito ay ang mga sumusunod: (1) Traditional filter coffee (Traditional filter coffee), gamit ang 25 (2) Capsule filter coffee (Encapsulated filter coffee), gamit ang 14 grams ng coffee; (3) Freshly brewed coffee (Brewed coffee, ito ay ang, French press pot: French press), gamit ang 17 grams ng coffee; (4) Instant coffee (Soluble coffee, na kilala rin bilang instant coffee), gamit ang 12 grams ng coffee.