close
RTI to GoDownload RTI APP now
Open
:::

Game of Thrones star arestado matapos ang climate change protests sa Netherlands

  • 06 July, 2023
  • 汪馬雪莉
Game of Thrones star arestado matapos ang climate change protests sa Netherlands
Gumamit ang Dutch police ng mga water cannons upang itaboy ang mga demonstrators mula sa climate group na Extinction Rebellion. (AFP)

Ayon sa Dutch police, mahigit 1,500 katao ang arestado sa isang demonstrasyon sa The Hague noong linggo sa pangunguna ng climate group na Extinction Rebellion, kasama na rito ang hit series "A Song of Ice and Fire: Game of Thrones star na si Car ice van Houten .

Hinarangan ng mga aktibista ang isang bahagi ng motorway sa The Hague upang magprotesta sa mga Dutch subsidiaries ng fossil fuels.

Ayon sa pulisya, habang nagpadala sila ng mga high-pressure water jets upang mapaalis ang mga aktibistang humarang sa major road, may kabuoang 1,579 katao ang arestado, 40 sa kanila ay kakasuhan ng mga krimeng gaya ng vandali sm.

Isa sa mga nagprotesta ang sinasabing nangagat ng isang police officer nang siya ay arestuhin.

Ayon sa Extinction Rebellion, tinatayang 7,000 katao ang nakibahagi sa demonstrasyon.

Dahil inaasahan na ng ilang aktibista ang paggamit ng water jets ng mga pulis, hawak ang kanilang mga banners at slogans, sila'y umupo nang nakasuot ng mga swimsuits at may dalang mga payong sa protesta.

Ito na ang ikapitong protesta ng Extinction Rebellion sa parehong lugar ng A12 motorway sa The Hague, malapit sa parliament at pangunahing ministry buildings.

Subalit ayon sa Dutch national news agency (ANP), ang protesta noong ika-27 ay nagbunga ng pinakamalaking bilang ng mga pag-aresto.

“Mananatili kami dito hanggang sa kaladkarin nila kami,” ayon sa isang graduate student na si Anne Kerevers, 31.

Dagdag pa niya, “Isang nagpapatuloy na krisis ang climate change, alam natin kung bakit, dahil pinopondohan pa rin ito ng ating pamahalaan, at dapat itong mahinto.”

Ilan ring Dutch celebrities ang nakibahagi sa protesta kasama ang artistang si Carice van Heulden na gumanap bilang Melisandr sa hit TV series na "A Song of Ice and Fire: Game of Thrones."

Nagpost si Carice van Heulden ng isang video sa Instagram na nagpapakita na nakasuot siya ng pulang kapa at basang-basa dahil sa high-pressure water jets.

Ayon sa Dutch National News Agency, pinayagang makauwi si Carice van Heulden matapos siyang arestuhin, subalit hindi sinabi kung siya ay kakasuhan.

Ayon sa pulisya, makailang beses na silang nagbigay ng pagkakataon sa mga aktibista upang maglipit at umalis bago ginamit ang mga water cannons at bago gawin ang mga pag-aresto.

Comments

Latest Newsmore