Iniulat ng "New York Times Chinese Website" na ipinahahayag ng China na sila’y isang sosyalistang bansa na may layuning matamo ang kasaganaan para sa lahat. Ipinahayag din ito ni Leader Xi Jinping noong 2021 na “ang laban sa kahirapan ay lubos nang naipanalo.” Bunga nito, ipinagbabawal na paksa ang kahirapan, sa takot na magdudulot ito ng pagkagalit ng mga high-level officials, na nagdulot ng pagtatanggal ng mga malulungkot na balita sa Internet. Nagdulot din ito ng kahirapan ng mga mahihirap na taong lumabas sa Internet sa China.
Iniulat din ng "New York Times Chinese Website" ang isang kalunos-lunos na video ang lumabas sa Chinese Internet kamakailan. Ito ay video ng isang retiradong matandang lalaki na nagpapakita kung anong klaseng pagkain ang mabibili niya sa halagang 100 yuan. Ang 100 yuan ang kanyang buwanang pensyon at nag-iisang mapagkukunan ng kabuhayan, subalit nabura na ang nasabing video. Bilang karagdagan, nagsulat ang isang mang-aawit tungkol sa malabong oportunidad na magkatrabaho ng mga kabataang nakapag-aral. Sa kanyang awit, sinabi niyang, “ang pag-aaral ay para sa pagbangon ng China, hindi para sa pagdeliver ng mga food delivery.” Di kalaunan, ang kanyang kanta ay ipinagbawal at ang kanyang social media accounts ay na-block at nabura na rin.
Binigyang-diin ng ulat na nitong Marso, ang Internet regulator ng China, ang State Internet Information Office, ay nagpahayag na parurusahan nito ang sinumang maglalathala ng mga video o artikulong sadyang “nagpapakita ng mga di-umano’y trahedya at nag-uudyok ng kumprontasyon, sisita sa imahe ng partido at ng pamahalaan, at makikialam sa economic at social development.” Matapos ang anunsyo, isa-isang ipinagbawal ng mga regulators ang malulungkot na video na nagpapakita ng mga matatanda, mga may kapansanan, at kabataan.
Sinisuguro ng pamahalaan na ang mga talakayan hinggil sa China ay positibo
Sa likod ng ban na ito ay ang pananabik ng pamahalaang China na masiguro na ang talakayan hinggil sa China ay pawang mga positibo lamang.
Ayon sa ulat, dati, madalas ipagmalaki ng CCP ang dami ng mga taong natutulungan nitong maalis sa kahirapan sa loob ng 40 taon, subalit tumangging banggitin ang kasaysayan ng buong bansa na nalugmok sa labis na kahirapan noong panahon ni Mao Zedong. Sa mga nakaraang taon, makailang-ulit na binigyang-diin ni Chinese President Xi Jinping na ang China ay isang sosyalistang bansa na may layuning matamo ang kasaganaan para sa lahat. Noong 2021, ipinahayag niya “ang laban sa kahirapan ay lubos nang naipanalo.” Subalit, sa katotohanan, marami pa ring mga tao ang nabubuhay sa kahirapan at namumuhay below ng poverty line.
Matapos ang lockdown shock ng COVID-19 pandemic, mas ipinagbawal ang kahirapan bilang isang paksa sa China na maaaring magdulot ng pagkagalit ng pamahalaan habang patuloy na lumalala ang ekonomiya at lumalaki ang anxiety tungkol sa hinaharap.
Ayon sa ulat, kahit na ang economic strength ng China ay lumalaki araw-araw, ang social security ay hindi pa rin sapat. Ginagamit pa rin ng CCP ang “poverty alleviation” bilang medal upang mapakita ang pagkalehitimo ng kanilang rehimen. Kung kaya’t determinado ang pamahalaan na mapigilan ang anumang talakayan tungkol sa kalagayan ng mga mahihirap.
Ayon sa mga netizen, ang kahirapan ay dala-dala ng bawat isa at hindi dahil ito na ibinabahagi online.
Bilang karagdagan sa pagbubura ng mga malulungkot na mensahe sa Internet, kapag hinanap ang salitang “kahirapan” sa Tencent, ang pinakamalaking news portal ng China, ang lalabas na top news report ay tungkol sa pananaliksik na ang kahirapan ang ikaapat na dahilan ng kamatayan sa United States. Ang mga sistematikong dahilan ng kahirapan sa China ay underreported.
Bilang karadagan, ang mga talakayan sa Zhihu, ang pinakamalaking question-and-answer website ng China, kung bakit hindi pinapayagan ng pamahalaan ang pagpapakita ang mga video ng mahihirap ay naka-censor din. Subalit, may isang community user na nagbigay ng kumento bago nabura ang nasabing post: “Dahil base sa teorya, walang mahihirap na tao sa China.” Sabi naman ng iba, dahil “inalis na ng China ang kahirapan.”, “Dahil pinapayagan lamang ng lipunang ito ang pagpupunyagi ng kasaganaan, “Kailangan mong sarilinin ang sakit kaysa ibahagi mo ito online,” ayon pa ng isang commenter.