Binalaan ng Ministry of Foreign Affairs ng China ang Pilipinas na huwag “huwag galitin at lumikha ng gulo” sa pinag-aawayang mga islands at reefs. Bago ito, ipinahayag ng Philippine Coast Guard na matagumpay nilang natanggal ang mga floating barrier na inilagay ng China sa Scarborough Shoal sa South China Sea at inakusahan ang Beijing na naglagay ng mga barriers sa pinag-aawayang Scarborough Shoal upang mapigilan ang mga Pilipinong mangingisda na makapasok sa traditional fishing ground.
Sa isang regular press conference, binaggit ni Chinese Foreign Ministry spokesperson Wang Wenbin na “Mahigpit na pinangangalagaan ng China ang soberanya at maritime rights at interes nito sa Scarborough Shoal at pinapayuhan ang Pilipinas na huwag silang galitin at lumikha ng gulo.”
Sa maagang iniulat ng Agence France-Presse na ilang oras bago nagpahayag ang Philippine Coast Guard, nangako si Philippine National Security Adviser Eduardo Ano na gagawin lahat ng Pilipinas ang mga nararapat na aksyon upang mapaalis ang Chinese Coast Guard mula sa Huangyan pati na ang mga barrier na itinatag sa isla.
Noong nakaraang linggo, nadiskubre ng pamahalaan ng Pilipinas ang 300-metrong haba ng floating barrier sa entrance ng shoal sa isang routine replenishment mission para sa mga Pilipinong mangingisda na nangingisda sa katubigang malapit sa Chinese-controlled Scarborough Shoal.
Subalit, hindi posibleng masasabi mula sa pahayag ng Pilipinas kung ang kabuoang floating barrier ay tanggal nang lahat.