Inalis ng Philippine Coast Guard ang mga floating barrier na itinayo ng China sa Scarborough Shoal sa South China Sea, na nagdulot muli ng tensyon sa South China Sea. Ayon sa mga Pilipinong mangingisda, tuwing pupunta sila sa Scarborough Shoal para mangisda, palagi silang pinapaalis ng Chinese Coast Guard, subalit ayon sa kanila “hindi kami basta-bastang susuko” para sa aming kabuhayan.
Ang Huangyan Island ang isa sa main fishing grounds sa Pilipinas na may 200 kilometrong layo mula sa mainland ng Pilipinas. Nang magsagawa ng routine replenishment mission ang pamahalaang Pilipinas para sa mga mangingisda nitong nakaraang linggo, nadiskubre na ang entrance ng Scarborough Shoal ay hinarangan ng 300- metrong haba ng mga floating barrier. Nagtungo doon ang Philippine Coast Guard upang tanggalin ito.
Iniulat ng Philippine Daily Inquirer na ang mga floating barrier na itinayo ng Chinese Coast Guard ay upang mapigilan ang mga Philippine fishing boats na makapasok sa Scarborough Shoal. Subalit ayon sa mga Pilipinong mangingisda, bago pa man itinayo ng China ang mga barrier ay hindi na sila makapasok dito dahil may 2 Chinese coast guard ships na matagal nang naka-istasyon sa lagoon ng Scarborough Shoal.
Mahalaga para sa mga Pilipinong mangingisda ang lagoon ng Scarborough Shoal lalo na kapag hindi maganda ang sitwasyon ng dagat at masyadong mataas ang alon dahil maaaring mamalagi dito ang mga mangingisda habang naghihintay na kumalma ng hangin at alon.
Ayon kay Enosentes Forones, isang 60-years old na mangingisda, tumatagal ang paglalayag ng 14 hanggang 18 oras kasama niya ang 20 pang crew bago marating ang Scarborough Shoal. Sa kabila ng madalas na pagdaranas ng pangha-harass at intimidasyon mula sa Chinese Coast Guard, mas pinipili pa rin nilang magbalik sa Scarborough Shoal upang mangisda.
Ayon kay Floris habang itinuturo ang mga fishing boat na nasa pantalan, “Kung muli kaming paaalisin ng Chinese Coast Guard sa shoal (Bajo de Masinloc, na kilala rin bilang Scarborough Shoal), malaki ang mawawala sa amin. Tuwing nagpupunta kami sa lugar, gumagastos kami ng malaking halaga, nasa 80,000 pesos (NT$45,200).”
Ayon pa sa kanya, nang nagpunta sila sa Scarborough Shoal nitong Hulyo, mayroong 2 Chinese ships na naka-istasyon sa entrance at exit. Sinubukan pa nilang makapasok sa lagoon subalit itinaboy sila ng mga ito.
“Hindi kami makadaong doon dahil lalapitan kami ng mga speedboat ng Chinese Coast Guard at itataboy kami. Hindi kami makapasok,” ayon kay Floris. Nagkaroon ng standoff and Pilipinas at China tungkol sa Scarborough Shoal noong 2012 at sinakop ng China ang Scarborough Shoal. Noong 2013, nagsampa ng arbitration case ang awtoridad ng Manila sa International Tribunal for the Law of the Sea tungkol sa alitan ng Pilipinas at China tungkol sa South China Sea.
Ayon kay Bobby Roldan, vice president ng Luzon Island ng Philippine Fishermen's Movement Power Organization (PAMALAKAYA), ang pagtatayo ng mga floating barriers ay isang “kasuklam-suklam na aksyon” ng Beijing at lalong magpapahadlang sa mga gawaing pangisdaan at makakaapekto sa produksyon ng isda sa Pilipinas.
“Hindi kami basta-bastang susuko dahil wala kaming pwedeng ibang mapagkakitaan. Isa akong mangingisda, kaya’t magbabalik ako sa dagat upang magkaroon ng kabuhayan,” ayon kay Floris.