close
RTI to GoDownload RTI APP now
Open
:::

Militar ng Pilipinas: Walang pakikipag-ugnayang militar sa Taiwan ngayon at sa hinaharap

  • 24 October, 2023
  • 何薇薇
Militar ng Pilipinas: Walang pakikipag-ugnayang militar sa Taiwan ngayon at sa hinaharap
Philippine Chief of Staff Romeo Brawner (Reuters-Dazhi Image)

Sinabi ni Philippine Chief of Staff Romeo Brawner sa mga dayuhang mamamahayag nuong (ika-19 ng oct) na ang Pilipinas ay hindi nagsagawa ng pakikipag-ugnayang militar sa Taiwan at hindi inaasahan na makikipag-ugnayan sa Taiwan sa hinaharap.

Itinuturing ng Pilipinas ang panganib ng hidwaan sa Taiwan bilang pangunahing alalahanin nito sa geopolitical competition sa pagitan ng Estados Unidos at China.

Sinabi ni Brauner na nakahanda ang militar ng Pilipinas sa anumang posibilidad, bagama't hindi pa nila nababantayan ang anumang abiso ng nilalayong pag-atake sa Taiwan.

Ang militar ng Pilipinas ay nagtalaga ng isang yunit ng hukbong-dagat sa Mavulis, ang pinakahilagang isla ng bansa, mga 150 kilometro mula sa katimugang dulo ng Taiwan, kung saan nakatira ang 150,000 Pilipino.

Ang Pilipinas ay sumusunod sa "one-China principle" at nagpapanatili ng relasyon sa Taiwan. Ang Manila Economic and Cultural Office sa Taiwan ay ang de facto na embahada ng Pilipinas sa Taiwan.

Comments

Latest Newsmore