close
RTI to GoDownload RTI APP now
Open
:::

Nagtutulungan ang Pilipinas at Australia sa paglulunsad ng sea at air patrol exercises sa South China Sea

  • 28 November, 2023
  • 何薇薇
Nagtutulungan ang Pilipinas at Australia sa paglulunsad ng sea at air patrol exercises sa South China Sea
Nagtutulungan ang Pilipinas at Australia sa paglulunsad ng sea at air patrol exercises sa South China Sea

Inilunsad ng Pilipinas at Australia ang kanilang unang joint maritime at air patrol exercises sa South China Sea nuong (ika-25 ng nob). Ilang araw na ang nakalipas, nagsagawa rin ang Pilipinas at Estados Unidos ng mga katulad na pagsasanay.

Iniulat ng Reuters na habang lalong nagiging assertive ang China sa rehiyon ng Pasipiko, tumaas din ang pagbabantay ng mga rehiyonal na bansa.

Inihayag ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr ng Pilipinas ang tatlong araw na ehersisyo sa social media. Tinalakay ng Pilipinas at Australia ang magkasanib na pagsasanay sa patrol sa unang bahagi ng taong ito upang i-highlight ang sinabi nilang pangako sa isang rules-based order.

Inaangkin ng China ang halos buong South China Sea. Ang South China Sea ay isa sa mga pinagtatalunang daluyan ng tubig sa mundo, kung saan higit sa $3 trilyon sa kalakalan ang dumadaan bawat taon. Bilang karagdagan sa China, ang Brunei, Malaysia, Pilipinas, Taiwan at Vietnam ay lahat na umaangkin ng soberanya sa mga bahagi ng South China Sea. Ang South China Sea ay madalas ding nagiging flashpoint para sa mga tensyon sa pagitan ng Estados Unidos at China sa mga operasyon ng hukbong-dagat.

Inaakusahan ng China ang Pilipinas na nagre-recruit ng "foreign troops" para magpatrolya sa South China Sea at magdulot ng kaguluhan. Tinututulan ng Pilipinas na ang mga gawaing pandagat ay nasa loob ng mga karapatan nito.

Comments

Latest Newsmore