Ang bagong pamahalaan ng New Zealand ay umaasa na mababaligtad ang bumabagsak na antas ng literacy ng bansa.Sinabi ng Konserbatibong Punong Ministro na si Christopher Luxon nuong (ika-1 ng disyembre) na ang mga mobile phone ay ipagbabawal sa mga paaralan sa buong New Zealand.
Iniulat ng AFP na ang mga paaralan sa New Zealand ay minsan nagkaroon ng ilan sa mga pinakamahusay na marka sa pagbasa at pagsulat sa mundo, ngunit ang mga pamantayan sa pagbabasa at pagsusulat ay bumaba nang labis na ang ilang mga mananaliksik ay nag-aalala tungkol sa isang "krisis" sa silid-aralan.
Inihayag ni Luxon na ipagbabawal niya ang mga cellphone sa mga paaralan sa loob ng kanyang unang 100 araw sa opisina. Ipinatupad din ng United States, United Kingdom, at France ang patakarang ito, na may magkahalong resulta.
Sinabi ni Luxon na ang hakbang ay hahadlang sa nakakagambalang pag-uugali at makakatulong sa mga estudyante na tumuon sa kanilang pagaaral. "Ipagbabawal namin ang mga mobile phone sa mga paaralan sa buong New Zealand. Gusto naming matuto ang mga bata at makapagturo ang mga guro," aniya.
Nagbabala ang mga mananaliksik mula sa charity ng New Zealand na "Education Hub" noong 2022 na nakaranas ang New Zealand ng "krisis sa literacy".
"Ito ay malinaw na may dapat gawin upang matugunan ang nakababahalang mababang antas ng literacy ng New Zealand," isinulat nila.